Skip to content

IWA MOTO sa dinadalang anak ni PAMPI: Hindi pa ako pwedeng magpa-interview!

February 17, 2013

iwa pampiBiyernes nang hapon, habang nagraradyo kami ni Richard Pinlac (92.3 News FM at AKSYON TV-41), ay nakatanggap kami ng mensahe ng panghihingi ng dispensa mula kay Iwa Moto.

Mahigit na isang buwan na ang nakararaan ay nakarating sa amin ang impormasyon na nagdadalantao ang aktres, tinanong namin nang diretso ang kanyang nanay-nanayan-tumatayong manager na si Omar Sortijas kung gaano katotoo ang balita, inamin sa amin ni EP Omar ang sitwasyon.

Pero hindi pa puwedeng sulatin, pakiusap nito, marami pa kasing inaayos si Iwa Moto.

Ang ama ng kanyang dinadala, si Pampi Lacson, dating mister ni Jodi Santamaria na karelasyon naman ngayon ni Jolo Revilla.

Ilang araw na ang nakararaan ay may nakakita kay Iwa Moto sa isang mall na naglalakad, malaki na ang kanyang tiyan, wala na siyang maaaring itago pa.Nasulat ang tungkol sa kanyang pagdadalantao, ‘yun ang dahilan kung bakit humihingi sa amin ng dispensa si Iwa, naunahan daw ng paglabas ng istorya ang pagpapakita niya sa amin nang personal para sa isang panayam.

“Pasensiya na po, Nanay, wala na po akong nagawa.

Nakita po ako ni kuya Rommel (Gonzales, isang kapwa manunulat) sa Alabang Mall, lumabas na po ang balita.

“Nahihiya po ako sa inyo, pero isang araw, magkikita rin po tayo.

Hindi pa po ako makapagpapainterbyu ngayon dahil marami pa kaming inaayos.

“Pero haping-happy po ako ngayon.

I love you po, Nanay,” kumpletong mensahe sa amin ni Iwa Moto nu’ng nakaraang Biyernes nang hapon.

Ang mahalaga ay maligaya siya ngayon sa kanyang pagdadalantao kay Pampi Lacson, matagal na niyang pinapangarap ang pagkakaroon ng anak, at tanggap ng magkabilang pamilya ang kanyang pagdadalantao.

One Comment leave one →
  1. Ritchelyn permalink
    February 23, 2013 10:44 am

    Daming sasat ikaw din pala ang babaen wlang binatbat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: