Skip to content

CHARICE nabastusan sa pang-aasar ni RICO J. sa X FACTOR, nagkapikunan

October 10, 2012

Dahil sa sinabing nagkakagusto na siya kay KZ Tandingan

IBA talaga ang pagka-naughty ni Mamita Pilita Corrales nang maging guest si Rico Puno sa grand finals ng X Factor last Saturday.

Ka-duet si KZ Tandingan, ang tinanghal na kauna-unahang grand winner ng X Factor Philippines noong Linggo, talagang “the usual himself” ang music icon na kilala sa pagiging “medyo bastos” sa kanyang mga jokes.

“Halos mahubaran” kung ilarawan naman ni Mamita ang ginawang pakikipag-duet ni Rico kay KZ kaya nasabi tuloy ng Asia’s Queen of Songs na, “Alam kong sumikip ang pantalon mo!” na pinagtawanan siyempre ng mga nanonood.

Dahil dito ay nagsalita si Charice at sinabing, “Mam Pilita, ganyan talaga si tito Rico.

Ikaw na po, nag-iisa ka talaga!” At nang humirit naman si Rico na siguro raw ay may gusto na kay KZ ang mentor-judge nitong si Charice, biglang bawi ang international sensation at sinabing, “Tito Rico, tapos na po, okey na po kayo?”

Nakakaloka ang mga ganu’ng eksena kapatid lalo pa’t may mga bagay talaga na hindi nakukunan ng camera! Ha-hahaha!

Tila nagkaasaran pa ang dalawa.Sa tono ng pananalita ni Charice ay parang nabastusan siya sa biro ni Rico J.

Anyway, great thing, si KZ nga ang tinanghal na grand winner kaya’t ang pagiging kontrobersyal ni Charice bilang mentor ay nabigyan ng hustisya.

Hindi man siya umiyak that night gaya ng mga dati niyang ginagawa kapag nalalagay sa alanganin ang mga mine-mentor niya, hindi pa rin napigilang makita si Charice na tumatalon at humihiyaw na parang siya ang nanalo.

Well, dahil personal bet naman namin si KZ, keri na namin ang mga emote ni Charice as she proved to us na magagawa niyang makatulong sa isang mahusay na singer na talagang may taglay na X factor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: