Skip to content

Depensa ni JASON sa pamilya ni MELAI: Hindi ako manloloko!

February 17, 2013

melai at jasonTuwang-tuwa si Kris Aquino na naging maayos uli ang relasyon nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, na pareho na niyang regular co-host sa kanyang morning show na Kris TV.

Ayon kay Kris, “Nakakatuwa kasi parang naging instrumento tayo (sa Kris TV) para maging maganda uli ang samahan nila.

Though, hindi pa sila nagkakabalikan, naging espesyal uli ang kanyang friendship.”

Last week, sa weeklong birthday special ni Kris sa Kris TV, pumunta ang buong grupo sa General Santos City at isa nga sa pinuntahan nila ay ang bahay nina Melai doon.

And for the first time pagkatapos silang magkahiwalay ilang taon na ang nakararaan ay nakaharap ni Jason ang mga magulang at mga kapatid ni Melai.

Sa kanilang pagkikita ay napag-usapan nga ang posibleng pagbabalikan ng dating magdyowa.

Natawa nga kami nang tanungin ni Kris ang nanay ni Melai kung ano ang reaksiyon nito sa muling panliligaw ni Jason sa kanyang anak, “Kahit ganyan pagmumukha niyan (Melai), hindi ko pababayaan na ganunin na lang.” Ayon naman sa kuya ni Melai na si Deover, talagang nasaktan din sila at nagalit nang paiyakin daw ni Jason ang kanilang kapatid.

Sabi pa nito  sa muling panunuyo ni Jason kay Melai, “Okay na, pero sana totoo siya. Kasi pinaiyak na niya.”

May isa namang kapamilya si Melai ang nag-suggest na mag-live in na lang sila ni Jason sa Maynila, ang tugon naman ng dalaga, “Naku, mamamatay si Mama, malipad agad yan sa airplane papunta ng Maynila!”

Nang hingan naman ni Kris ng message si Jason para sa mga parents ni Melai, halatang hiyang-hiya na ito sa nangyayari, “Kasi parati ko sinasabi na ayokong magmadali.

Sinasabi ko po na huwag maging mabilis ang desisyon.

Ako naman di ba sinabi ko sa iyo (kay Melai) na hindi naman ako papasok sa relasyon na…” hindi na naituloy ni Jason ang sasabihin dahil pinutol na ni Kris ‘yun na nagsabing, “Kasi ayaw nila na paiyakin anak nila lalo na only daughter.”

Sa bandang huli, nagsalita uli ang nanay ni Melai, “Ito, makulit man ito (ang anak), sige ng umiyak, siyempre nasaktan ka as parents.

Sabi ko bakit paiiyakin, pati trabaho niya pinabayaan niya. ‘Ayaw ko na pumunta, ayaw ko na!’ sabi niya.

Naintindihan ko na love niya ito kaya sana huwag nang lokohin.”

Na sinagot naman agad ni Jason ng, “Hindi ako manloloko.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: