Skip to content

‘VIDEO SCANDAL’ daw nina BEA at PAPA DAN iimbestigahan ng PNP

September 26, 2012

NAGING panauhin sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM ang de-kampanilyang lawyer na si Atty. Ferdie Topacio para linawin ang ilang issues na kinasasangkutan nito.

Labis kasing nagdamdam ang mahal nating abogado dala ng tila panlalaglag sa kanya ni Bea Binene at ng ina nito.

Ayon sa mag-ina, hindi naman  daw nila kinuha ang serbisyo ni Atty. Topacio para sa kasong isinampa nila sa CIDG.

Ito ‘yung chikang merong isang DJ ng isang FM station na diumano’y nanghaharas sa dalagitang aktres.

Yes, Bea Binene is 14 years old pa lang going 15 yata, and we’ve read in some news items before na napilitan daw dumulog ang mag-ina sa CIDG para ireklamo ang nasabing DJ who was later referred to a certain Papa Dan.

Sabi kasi ng mag-ina, nasa loob ng bahay nila ang lalaki kaya natatakot daw silang baka may gawin itong masama sa kanilang mag-ina. Nang i-advise sila ni Atty. Topacio na maaaring ipadampot ang lalaking ito dahil the fact na nasa loob nga naman ito ng bahay nila, maliwanag na trespass to dwelling ito and that’s a crime punishable by law.

May sinabi pa raw ang mag-ina na meron daw mga sensitibong kuha si Bea sa iPhone at laptop ng said alleged stalker.

“I referred them to the higher lady officer sa CIDG para mailayo sila sa kapahamakan.

Nagtaka lang ako dahil when we advised na ipadampot ang said guy, sila rin ang nag-resist.

Hanggang sa inamin din nilang sa kanila pala nakatira ang DJ Dan na ito.

So, I don’t see a stalking here dahil they live under one roof.

“Ang sabi naman nila, pinatira lang daw nila ang guy sa bahay nila dahil naawa sila porke wala nga raw itong matirhan.

The issue became so complicated and during their last interview, medyo nailang lang ako sa mga statement nila.

Pati yung pag-treat ng GMA 7 sa interview, laglag na laglag ako.

I felt offended siyempre kaya this time, I already wrote a letter informing the two (Bea and mom) that I am withdrawing my services as Bea’s legal counsel.

First thing tomorrow, I am sending the letter to them,” ani Atty. Topacio.

Kami man ay nahihilo sa drama ng mag-inang ito.

Naging curious tuloy kami kung ano ba talaga ang estado nina Bea at ng nabanggit na DJ na ito.

May nakapagbulong kasi sa aming mag-boyfriend daw sina Bea at Papa Dan. True ba ito?

Kasi nga, ang bata-bata pa ni Bea para magkaroon ng seryosong boyfriend, much more na nasa bahay pa nila nakatira.

You mean, pinapayagan ng mommy niya si Bea na magka-boyfriend at nakatira pa sa tahanan nila?

At ano ‘yung kumakalat na isyu na kesyo may video scandal diumano si Bea na nasa laptop at iPhone ni Papa Dan? Why are they so worried about it?

Hindi kaya may pinanghahawakan talaga ang Papa Dan na ito against Bea kaya biglang nagbago ang statement nilang mag-ina.

Para ipagkanulo ang abogado nila, there must be something really fishy sa isyung ito.

Pero kahit pa, sabihin pa natin halimbawa na may sex video (kung totoo man ang kumakalat na balita, ha!) si Bea with the guy or what, kahit sabihin pang may consent ito ng bata, liable pa rin for child abuse si Papa Dan.

Kasi nga, menor de edad pa si Bea!

Dapat ngang maibestigahan ito ng PNP-CIDG. Kasi nga, mukhang malalim ang pinag-ugatan ng isyu.

Balita ko kasi, mahal na mahal nitong si Papa Dan si Bea at natatakot daw itong maahas ng iba.

Kumbaga, nagselos daw ito kay Atty. Ferdie Topacio na minsan ding na-link sa dalagita.

“Dinig ko, wala na si Papa Dan sa bahay nila.

That’s what I heard. And by then ay wala na akong silbe sa complaint nila dahil they are not cooperating.

Hindi ako marunong mamilit ng kliyente.

Yung sa amin naman, I am quitting as her legal counsel pero we can remain naman as friends for the rest of our lives,” paniguro Atty. Topacio.

Well, let’s wait na lang for Bea and her mom to speak up regarding Papa Dan’s. Hay kaloka!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: