Skip to content

JED SALANG ‘NINAKAW’ na ang lahat kay AI AI, comedy queen wasak na wasak na

May 29, 2013

aiai delas alas and jed salangMatatagalan pa bago makabawi sa sobrang pagkabigo

Pilit na winawasak ng mga taong walang magawa sa buhay ang imahe ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.

Maraming nakikisawsaw sa isyu ng paghihiwalay nila ng businessman na si Jed Salang.

Dahil nga hindi makalantad ang lalaki para maipagtanggol ang kanyang sarili ay parang nagkasundo-sundo naman ang kanyang mga kaibigan na ipaglaban siya.Pero sa daloy ng kanilang paghihiganti kay Ai Ai ay kabaligtaran naman ang nangyayari, lalo lang nagagalit sa kanilang kampo ang ating mga kababayan, dahil puro matitinding paninira kay Ai Ai ang laman ng kanilang pagtatanggol kay Jed Salang.

Tama bang palutangin ng grupong ‘yun na isang sex addict ang komedyana?

Napakahilig daw sa sex ni Ai Ai, talagang ikinukulong pa raw ng aktres sa banyo ang kanyang ex, magkaniig lang sila kahit ayaw ng lalaki.

Sabi pa ng ibang kakampi ni Jed ay sobrang selosa raw si Ai Ai, kapag nagseselos daw ang Comedy Concert Queen ay wala itong pinipiling lugar, inaaway-away raw ni Ai Ai ang lalaki at ang tanging makapagpapakalma lang sa aktres ay ang paglalambingan nila sa kama ng kanyang asawa.

Sabi naman ng isang tagapantanggol ni Ai Ai, “Wala na silang magagawa pang paninira ngayon.

Sirang-sira na si Ai Ai nu’n pa man dahil sa mga ginawa ni Jed.

Matatagalan pa bago mabuo uli ni Ai Ai ang pagkatao niya, ninakaw na halos ni Jed ang lahat-lahat sa kanya.”

Matatagalan pa bago matuldukan ang kontrobersiyang ito.

At hanggang salita pa rin nang salita ang kampo ni Jed Salang ay asahan nang hindi rin hihinto sa pagtatanggol ang mga kaibigan ni Ai Ai.

At kung matatagalan pa bago makabalikwas ang Comedy Concert Queen mula sa masakit na karanasang ito ay bibilang din nang maraming taon si Jed Salang bago makalimutan ng publiko ang kinapalooban niyang magulong pakikipagrelasyon kay Ai Ai delas Alas.

Si Jed Salang pala dapat ang host ng isang TV show sa TV5 na Wasak! ‘Yun na!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: