Skip to content

KRIS AQUINO, DANIEL MATSUNAGA magdyowa na, secret nga lang

May 22, 2013

daniel matsunagaMatagal nang itinatago sa publiko ang tunay na relasyon

MATAGAL na rin ang balitang crush daw ni Kris Aquino itong Brazilian ex-boyfriend ni Heart Evangelista na si Daniel Matsunaga and in fact, isinama pa niya ito sa pelikula nilang “Sisterakas” at kinuhang co-host sa kanyang morning show na KrisTV for a while.

Sa pagkakaintindi ko kasi, parang nakyutan lang si Kris sa Brazilian hunk na wala naman talagang masyadong job offers sa Pinas dahil he’s just a piece of cake around town.

Alam n’yo naman ang mga Brazilians – dahil hirap din ang mga buhay nila sa kanilang bansa, they knocked at every nation’s doors for some job opportunities.

Yung iba nga ay nag-prostitute na sa London or Spain or Paris or Thailand – I’m not joking. Magaganda talaga ang mga mukha ng mga Brazilians, matatangos ang ilong and sweet ang mukha.

Que guguwapo at que gaganda ng mga iyan.

I’m not saying na nag-prostitute din ang mga tulad nina Daniel dito, nakilala natin si Daniel nu’ng mag-model siya at tuluyang pumasok sa pag-aartista.

Wala naman tayong nabalitaang may ginawa siyang kabalbalan.

The most that has been talked about him was when he fell in love with Heart na napunta na kay Sen. Chiz Escudero ngayon.

Anyway, may chika akong nasagap about Kris and Daniel.

Totoo raw na may relasyon na ang dalawa.

Pero since Kris calls the shots (even to her friends), tahimik ang lahat or else…

“Di ba’t minsan ay nadulas si Kris na na-meet na niya ang sister ni Daniel?

Ang ganda-ganda pa nga raw ng girl.

Minsan din ay na-imbyerna siya nang tuksuhin siya ni Vice Ganda kay Daniel pero after that ay tahimik na si Vice. Natural!

Hindi niya puwedeng kalabanin si Kris, kahit best friends sila, mas malakas pa rin si Kris sa kanya sa Dos.

“Kumbaga, nagkakaintindihan na lang sila, sila-sila lang.

Balitang dyowa na raw talaga ni Kris si Daniel.

Kaya napansin n’yo, tahimik si Daniel ngayon, wala kang maririnig about him kasi nga, hawak siya ni Kris pero patago nga lang. Naku, maniwala ka sa akin.

Kaya kahit hindi magtrabaho si Daniel, he can live like a prince dahil meron siyang Kris Aquino,” anang source natin.

Nagulat naman ako sa chikang ito.

Kung totoo man ang balitang ito, karapatan naman ni Kris na ma-in love, di ba?

Wala tayong karapatang pigilan ang pagtibok ng puso ng kahit sino, kung totoong sila na, eh ano naman ngayon?

Wala ba silang karapatang maging maligaya?

At kung totoong si Kris ang bumubuhay kay Daniel, eh, ano naman sa atin?

Pera naman niya ang ginagastos niya.

Basta as of the moment, hanggang speculations lang tayo kasi wala namang umaamin sa kanilang dalawa.

Masuwerte sila actually sa isa’t isa – kung totoong sila na nga, ha! Kasi nga, guwapo si Daniel at mukhang mabait naman.

Sa kaso naman ng hunk model-actor, sobrang suwerte niya dahil ibang magmahal si Kris – bigay-todo.

Kung magkatuluyan sila in the end, hindi na kailangang kumayod pa ni Daniel like a cow dahil mayaman naman si Kristeta na kilalang super-generous sa mga lalaking iniibig niya.

The only thing na dapat niyang gawin ay mahalin lang si Kris at alagaan.

Sobrang yaman kaya ni Kris, with a president-brother, my gosh! She can have everything under her nose.

Jackpot si Daniel pag nagkatuluyan nga sila ni Kris.

Totoo kaya ito? Aamin kaya si Kris? Huwag na raw kayong magpakahirap na magtanong sa mga taong nakapaligid kay Kris dahil wala kayong mahihitang kasagutan dahil takot silang mawalan ng work pag nagalit sa kanila si Kris.

Pakiramdaman n’yo na lang. One day ay lalabas din ang katotohanan, kung sila nga ba o hindi.

Kung kailan, hindi natin alam.

Pero knowing Kris, wala namang naisisikreto ‘yan, e, nabubuko siya sa kanyang sariling bibig.

Wait na lang tayo, OK? Let’s see kung aamin ba si Tetay o hindi.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: