Skip to content

KIM laging umiiyak, pikon na pikon kay MAJA

May 24, 2013

kim chiuGAANO katotoo na pikon na pikon na si Kim Chiu sa mga patutsada ni Maja Salvador sa kanya kapag nasa taping ng kanilang teleseryeng Ina Kapatid Anak ng ABS-CBN?

Ayon sa kumakalat na chika, sa kabila raw ng pananahimik ni Kim kapag nasa set ng nasabing soap opera ay patuloy pa rin sa pagpaparinig si Maja.

Hindi naman daw garapal kung mambwisit si Maja, pero alam daw ng lahat ng nasa taping kung sino ang pinaparinggan niya.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit palihim na lang na umiiyak si Kim, ayaw naman daw nitong patulan si Maja dahil baka mauwi na naman sa malaking iskandalo ang lahat. Kaya naman kahit na nasasaktan ay dedma na lang si Kim.Ayon naman sa isang tagapagtanggol mi Maja, isang malaking kasinungalingan daw ang isyung ito, dahil tahimik lang naman daw si Maja sa set ng Ina Kapatid Anak, bilib nga raw sila sa aktres dahil kahit na dinededma-dedma siya ni Kim ay civil pa rin ang pakikitungo niya rito. So, ano nga kaya ang tototo tungkol dito?

Anyway, kung tuloy ang pag-iisnaban nina Kim at Maja, kabaligtaran naman nito ang naging eksena sa kanilang serye.

Naganap na kasi ang pinakaaabangang pagbabati ng magkapatid na Celyn (Kim) at Margaux (Maja) sa Ina Kapatid Anak.

Tinutukan ng buong bansa ang episode na ito kung saan luhaang humingi ng tawad si Margaux sa kambal niyang si Celyn.

Patunay rito ang datos ng Kantar Media noong Martes kung kailan humakot ng 32.5% national TV ratings ang Ina Kapatid Anak. Samantala, ito na ba ang magbibigay daan upang magkaayos na rin ang kanilang mga ina na sina Beatrice (Janice de Belen) at Teresa (Cherry Pie Picache)?

Sa panunumbalik ng magandang samahan ni Celyn at Margaux, magtagumpay kaya ang plano ni Emilio (John Regala) na sirain ang kanilang pamilya? Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa Ina Kapatid Anak, gabi-gabi, after Juan dela Cruz sa ABS-CBN Primetime Bida.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: