Skip to content

Ang kikitid ng utak n’yo! – ANGELICA

November 1, 2012

Sa mga nag-iisip na engaged na sila ni John Lloyd

Ayaw kumpirmahin ni Angelica Pangilinan ang pambubuking ng kaibigan niyang direktor na si Dante “Ga” Garcia na apat na buwan na niyang karelasyon si John Lloyd Cruz dahil, “Secret namin iyon!” seryosong sabi ng dalaga.

Sa panayam namin kay Angelica para sa ikaapat na anibersayo ng gag show na Banana Split sa ABS-CBN cum birthday celebration na rin niya na mapapanood sa susunod na Sabado, Nob. 10 ay talagang tinutukan siya para marinig naman ang panig niya tungkol sa magandang relasyon nila ni Lloydie.

Naunang napag-usapan ang tungkol sa diamond ring na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram kamakailan, bigay ba talaga ni John  Lloyd sa kanya ang singsing?

“Hindi, nasa shooting ako nu’n. Actually, commonsense lang naman, hindi ko na ‘yun dapat sagutin.

“Sobrang kitid ng utak ng mga taong nag-iisip na engaged ako at kung engaged ako, hindi ko iyon ilalagay sa Instagram.Baka magpapa-set ako ng interview kay tito Boy (Abunda) at hindi sa Instagram teh, nakakaloka!” katwiran ng aktres na tila nag-init kaagad sa tanong.

Kung hindi galing kay Lloydie ang singsing, kanino? “Ah, nagwo-work ako, may pera ako at kaya kong bumili ng singsing,” matigas na sabi ng aktres.

At dahil napansing tila wala sa mood sumagot ang dalaga ay inalam kung ayaw niyang pag-usapan ang relasyon nila ni JLC dahil ang aktor naman ay game na game sumagot sa nakaraan niyang interview.

“Hindi naman, kasi mahirap sabihin ‘yung kung ano ang nararamdaman mo, di ba?

Kasi nanggaling ako sa isang relationship na naging open at wala akong ipinagdamot sa mga tao.

“Ngayon na may nagsalita, parang inamin ni John Lloyd na kami na, tapos may mga tao na nagsasabing, ‘O, aaminin din pala kayo, ganyan-ganyan,’ so, parang ano bang gustong gawin ng mga taong ito?

“Magsalita ba kami o hindi, di ba? So, siguro mas mabuti ‘yung inamin namin na kami na.

Kung may mga masaya o di ba, masaya kayo, kung may mga hindi masaya, e, sasaya rin kayo eventually sa mga life n’yo.

“And ayoko ng bigyan ng detalye ‘yung bagay-bagay para pagpiyestahan ng mga tao ang personal kong buhay.

And mas maganda ‘yung ganu’n, mas private, mas ako ‘yun at sa amin dalawa yun.

At ‘yung mga taong gustong makisali, welcome naman lahat, eh.

Pero ‘yung mga nega, hindi namin kayang i-take ‘yun,” kambyo ng aktres.

Gaano kasaya ang isang Angelica Panganiban sa piling ni John Lloyd Cruz? “Ano, parang out of this world.

Hindi mo nga alam may nage-exist pala ‘yung ganu’n klaseng happiness, puwede pala ‘yun!” diin niyang sabi.

“May dalawang taong nagkakasundo, kaya n’yong suportahan ang isa’t isa.

‘Yung ganu’n kasimple, walang hassle, walang isyu, walang problema,” dagdag pa ng dalaga.

So, kinumpleto ni Lloydie ang buhay niya? “Alam n’yo, hindi ko puwedeng i-base na, yes kumpleto na ako kasi nagsalita siya sa The Buzz.

Tinanong siya or kung ako ‘yung nakaupo du’n at tatanungin ako, oo sasabihin ko rin kami, di ba?

Walang malaking isyu.

May nagtanong, sinabi namin at sinasabi ko ngayon na oo kami hindi para makumpleto ‘yung buhay ko sa nangyaring interview.

“Siguro mas magandang sabihin na okay ako ngayon, mas masaya ang pakiramdam ko ngayon kasi may taong nagpapasaya sa akin at nagpaparamdam sa akin at pumupuno ng mga nawala sa akin,” katwiran ni Angelica.

Samantala, wife material daw siya sabi ni JLC. “Talaga? Mukha naman,” napatawang sambit ng aktres.

Paano ba nagsimula ang relasyong Lloydie at Angelica? “Eversince kasi hindi naman kami ganu’n ka-close.

Hindi rin namin pinapansin ang isa’t isa. Hindi kami bonding, walang ganu’n.

Kung nag-uusap kami, small talk lang kahit noong nasa Vietnam kami.”

Sa Vietnam daw sila nagkalapit at nagkakilalanlan ng husto. “Siguro ano, dumating kami sa point na, sa kuwentuhan.

Habang nagkukuwento ako, nagsi-share ako ng experiences ko na nangyari, nagulat ako na may lalaki palang ganu’n, pakikinggan ka hanggang matapos mo ‘yung kuwento mo at nagulat ako na nakuwento ko (kay Lloydie) ng hindi siya sumasabad.

Tapos ganu’n, na-enjoy ko siya,” pagtatapat ni Angelica.

Pumasok ba sa eksena si Lloydie nu’ng kasalukuyang ginagamot niya ang kanyang sugatang puso mula sa nakaraang relasyon o totally healed na siya nu’ng naging sila na?

“Hindi, eh. Mahirap i-identify yun kasi kung ano naman ‘yung nangyari sa akin sa past ko, desisyon ko na hindi iyon ikuwento sa public dahil iyon din naman ang ipinangako ko sa nakaraan ko, di ba.

Tapos na ‘yun, huwag na nating pag-usapan,” sagot ng aktres.

Sa birthday celebration ni Angelica sa Banana Split ay dumating si John Lloyd at mapapanood ang episode na ito sa Nob. 10, Sabado, “Espesyal po ang episode na ito dahil isa sa mga importanteng tao sa buhay ko ang darating,” ani Angelica.

Maliban sa birthday celebration ni Angelica, marami pang kaabang-abang na inihanda ang Banana Split sa mga susunod na Sabado kasama rin sina John Prats, Pooh, Zanjoe Marudo, Jason Gainza, Melai Cativeros, Ryan Bang at marami pang iba.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: