Skip to content

French bf ni ANNE enjoy sa laplapan ng gf at ni DEREK

September 30, 2012

Umaatikabong hubaran na naman sa ‘A Secret Affair’

WALANG reklamo ang boyfriend ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa mga ginagawa niyang paghuhubad at pagpapaseksi sa pelikula.

Hindi rin daw ito nagseselos sa mga lalaking “nakakatikim” sa kanyang katawan sa mga maseselang eksenang ginagawa niya.

Ayon kay Anne, malaking bagay ang pagiging foreigner ni Erwan dahil open minded ito pagdating sa kanyang trabaho.

Hindi raw big deal sa binata kung makipaglaplapan siya o lamutakin ng mga nagiging leading man niya ang kanyang katawan.

Tulad na lang dito sa bago niyang pelikula under Viva Films, ang “A Secret Affair” kung saan makakasama niya uli si Derek Ramsay with Andi Eigenmann na siyang makikipag-agawan sa kanya sa pag-ibig ni Derek sa movie.

And as usual, may mga maiinit na eksena na naman sila ni Derek sa nasabing pelikula.

“I guess it helps that he’s half-French, and he loves watching films talaga, mahilig siya, ‘yung mga sexy films nga na napapanood niya sa ibang bansa, it’s nothing compared sa mga sexy films natin. So, hindi naman siya affected, walang jealousy.

“But of course nandoon ‘yung awkwardness, na kapag magkatabi kaming nanonood, tapos ‘yung mga ganu’ng scene ‘yung makikita niya, pipisilin na lang niya ang hands ko, ganu’n lang.

Pero hindi siya ‘yung pag-aawayan namin,” paliwanag ni Anne.

Tinanong namin si Anne kung naniniwala siya na dumarami ang mga kabit dahil sa mga Pinoy movies na may temang kabitan,

“I don’t think na dumadami ang mga mistress o kabit,

I believe na it’s also a wake up call for other people, kasi lagi namang may morale sa mga story, may time na itatama ang mga mali.

Hindi naman sa gino-glorify, e.

Pero sa totoong buhay, hindi ko alam, ha! Ha-hahaha!

“Pero I don’t think dumarami kasi nagiging aware or sensitive ang mga babae, ‘yung may mga asawa, natututo silang alamin ano ba ‘yung mga signs kung nagloloko or may mistress ‘yung mga husband nila, so I think mas positive siya, hindi negative,” depensa pa ng tinanghal na FAMAS 2012 best actress for the movie “No Other Woman”.

“Hindi pa siya nagsi-sink in, e.

Every time na nakikita ko ‘yung award, parang, ‘Oh, my God!’ It’s my first Famas kasi, e.

So, I’m still on a high,” say ni Anne.

So, dito kaya sa “A Secret Affair,” umaasa uli siya ng best actress trophy? “I don’t know sana,” nakangiting chika ni Anne.

Ibang-iba naman daw ang “A Secret Affair” sa “No Other Woman”, “A secret affair kasi doesn’t mean you’re a mistress.

It could be you’re cheating on your boyfriend, di ba? So, that’s the difference, it’s about betrayal. Iba-ibang klase ng betrayal—betrayal sa magkaibigan, betrayal sa mag-boyfriend and mag-girlfriend, sa fiancé, or sa asawa.”

Komento naman ng aktres kung bakit puro na lang may temang kabit ang pelikula ngayon na in fairness ay kumikita naman lahat, “I think there’s always a time where it goes around.

In the ‘80s, it happened, it was a trend. In the ‘90s, it happened, it was a trend. So now, it’s a trend.

Parang umiikot lang. It’s a story kasi na paulit-ulit naman talagang nangyayari.”

Ano ang pagkakaiba ng role niya rito, “Siguro, what makes me different here, siguro I’m so used to portray the role of the feisty one.

So, dito, I have to medyo mag-tame, aralin kung paano kumilos, bawasan ang pag-angat ng kilay, and stuff like that.

It was challenging for me,” kuwento pa ni Anne.

Showing na ang “A Secret Affair” sa Oct. 24 sa direksiyon ni Nuel Naval.

Makakasama rin dito sina Jaclyn Jose, Jackielou Blanco, Joel Torre at marami pang iba.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: