Skip to content

Relasyon nina DEREK at EX-EB BABE SAIDA muling nabuhay

October 22, 2012

Nang dahil sa The Amazing Race Philippines ng TV5

Isa ang dating member ng EB Babes na si Saida Diola kasama ang kanyang kaibigang bading na si Jervi Lisaba sa mga magiging contestants sa The Amazing Race Philippines ng TV5 hosted by Derek Ramsay na magsisimula na sa Oct. 29, Monday after Wiltime Bigtime.

Kung natatandaan n’yo pa, na-link noon sina Derek at Saida, natsismis na isa ang dating EB Babes sa mga pinagselosan daw ni Angelica Panganiban nu’ng kasagsagan ng relasyon nila ni Derek.

Pero paliwanag ng Amazing Race host, wala raw malisya ang pagkakaibigan nila noon ni Saida, in fact, tinawagan pa nga raw niya ito nu’ng matsismis sila.

As in nag-sorry daw si Derek kay Saida na nadamay pa ito sa issue sa kanila ni Angelica.Anyway, ang iba pang makikipaghabulan sa The Amazing Race Philippines ay ang magkaibigang LJ Moreno at CJ Jarabata, magbayaw na Dayal Chowdary, Jr. at Fausto Reyes, gym buddies Marc Duñgo at Kat Tan, amigas Jervi Lisaba at Saida Diola, reunited friends Sheena Vera Cruz at Gee “Speedy” Canlas, mag-amang Ed at Angel Movido, magkumpareng Boom Vergara at Cheng Enriquez, football brothers Armand at Anton del Rosario, bombshells Dani Castano, bored housewives Vanessa Ishitani at Pam Spella, Mish Van Ruyven, at ang magkasintahang sina Crystel Castro at Mykey Lacson. Tumataginting na P2 million ang mapapanalunan ng winners.

Anyway, inamin naman ni Derek na medyo mahirap ding mag-host ng ganito kalaking reality game show, “Kasi noon sa Biggest Loser (ng ABS) trainer lang ako doon, si ate Shawie (Sharon Cuneta) ang host.

I was there to motivate as a game master.

Ayun, motivate and, at the same time, kailangang parusahan pa sila. But this one, it was physically taxing.

It was wake up-alis, wake up-alis. But it was exciting.

“Ako, I’m excited to go to this place, to this place, to this place.

Yun nga lang, yung oras lang na makikita namin ‘yon is yung time na pagkapasok ng last team.

Wala na kaming chance na umikot-ikot,” chika ng hunk actor.

Hirit pa nito, “Gusto ko nga sumali.

Sana hindi na lang ako yung host at isa na rin ako sa mga lumalaban.

Sabi nga nila, hindi na ako puwedeng sumali.

I already know too much about it—unless magkaroon ng Amazing Race ang hosts,” kuwento pa ni Derek.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: