Skip to content

MARIAN: Matapang ako! kaya kong gumapang, tumalon at tumambling!

October 22, 2012

Wala siyang kinatatakutan, lahat kaya niyang gawin

Meanwhile, iba naman ang hatid na excitement at saya sa nire-launch na Extra Challenge: Ang Bagong Hamon ng GMA 7.

Hindi man sila magtatapatan ng TARP ng TV5, tiyak na hindi maiiwasang maikumpara ang dalawang programa lalo pa’t halos pareho ang mga “challenges” na pinagdaraanan ng mga kalahok dito.

Pero dahil mabait kami at ayaw naming mang-intriga, hindi na muna kami magsusulat sa mga nabalitaan naming komento ng mga dating staff and crew na nagpatakbo ng Extra Challenge noon sa GMA na ngayo’y mga nasa likod na ng TARP.

Huwag muna, di ba kapatid na Ervin, panoorin muna natin ang dalawang show.

Kaya ang naging tsikahan na lang natin with its new hosts ang pag-usapan natin, “Lahat kaya kong kainin.

Matapang naman ako!” sey ni Marian Rivera nang i-challenge namin ito sa kung hanggang saan ang posible niyang gawin para sa ikagaganda ng re-launch ng Extra Challenge.Siya kasi at si Richard Gutierrez ang natokang maging main host ng programang grabe talaga ang naging impact at popularidad noong araw lalo na pagdating sa mga challenges na kakaiba at tanging malalakas ang loob at matatapang lang ang kering gumawa.

“Huwag lang siguro akong makakita ng dugo na lumalabas mismo sa katawan ko. Baka ‘yun ang isa sa mga bagay na hindi ko kakayaning makita.

The rest, keri ko na sigurong gawin.

Mag-tumbling, gumapang, tumalon, kahit ano.

Kahit sa pagkain, wala akong aatrasan, lahat naman kinakain ko,” ang tsika ni Marian.

Sumundot naman si Richard, “Alam n’yo, bilib ako talaga kay Yan (Marian).

Matapang siya, sugod lang nang sugod.

Nakita ko na iyan sa ilang araw na nag-tape kami.

Tinatanong ko nga siya kung gusto niyang gawin yung mahihirap na stunt sa tingin ko, pero yes lang siya nang yes.”

Tuwing Sabado at Linggo ng gabi mapapanood ang Extra Challenge.

Kasama rin dito ang magaling na gay stand-up comedian na si Boobay na willing ding mag-take over sa anumang challenge na aayawan at tatanggihan ng sinumang kalahok.

“Kahit buwis buhay pa po iyan, walang atrasan ang role ko rito,” hirit pa ni Boobay na kinuha raw sa EC dahil kamukha nga niya ang dating host nito na si Ethel Booba.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: