Skip to content

PIOLO: Kung girlfriend ko na si SHAINA, hindi ko naman ‘yun ipagsisigawan!

April 22, 2013

piolo pascualMaligaya naman daw sila sa piling ng isa’t isa

GRABE ang ganda ng katawan ngayon ni Piolo Pascual.

Lumiit sa paningin namin si Piolo at nu’ng niyakap niya kami para bumeso ay na-feel namin ang nipis ng katawan niya, huh! Plus of course, kahit ‘di namin nakita, tiyak na perfect ang abs ngayon ni Papa P.

Kung anu-ano raw ang ginagawa niya ngayon to really have a physically and healthy body.

Pinaghahandaan din niya ang pagsali niya sa The Iron Man sa August.

“Araw-araw ako nagwo-workout.

Kahit may taping ako ng Apoy sa Dagat, dala ko ‘yung gamit ko, dumbells, kettlebells.

Ano lang siya, mabilisan lang.

Hilig lang po talaga.I guess, it’s better kapag nagkakaedad ka na maganda na mas agile ka, mas flexible ‘yung katawan mo and para mas healthy, I guess,” bungad niya bago magmisa sa ABS-CBN chapel bilang pasasalamat ng cast and staff sa napakataas na rating ng Apoy sa Dagat gabi-gabi.

Wala naman kasing bisyo si Piolo.

Adik siya sa trabaho. Pati nga lovelife niya hindi niya masyadong natutukuan.

“Ah, ‘yun nga, e. Siguro masyado akong kasal sa trabaho ko ngayon na people siguro nami-misconstrued, you know.

Kasi nga wala tayong oras sa ganoon, e.

Kung ang anak ko hindi ko mabigyan ng oras what more sa relationship, ‘di ba?

E, ‘di mas gusto ko na lang magtrabaho at magpahinga kung walang trabaho,” sabi niya.

Pero sinabi ni Piolo sa amin na within the next four years ay gusto na niyang mag-settle down.

Sinabi na rin daw nya ang plano niya sa unico hijo na si Iñigo, “Sabi ko, I’ll only get married when he’s 18.

He’s already almost 16 now.

So, in two years time, siyempre, hinahanda ko rin ‘yung bata.

Kasi ‘yung bata gustong mag-artista. Sabi ko, high school lang.

Bigay lang niya sa akin ‘yung high school niya, okey na ako,” kwento ni Piolo.

Ngayon pa lang ay in-enroll na ni Piolo si Iñigo sa Amerika para siguradong papasok daw ang anak nya.

Incoming second year high school si Iñigo sa US.

Gusto raw kuning kurso ni Iñigo sa kolehiyo ay Performing Arts.

Nagmana rin pala talaga sa kanya si Iñigo.

“Hilig niya talaga, e.Pero siya mas confident ‘yun, mas expressive ‘yun, e.”

Pag pasok ni Iñigo sa showbiz, exit naman daw si Piolo, “In a way.

Siyempre, hindi na rin naman pareho ang generation.

Hindi natin masasabi. But I’ll be there to support him.

Wala namang problema if I’ll play a father role or father kay Iñigo sa isang project for that matter.

Eventually, eventually naman.

“Pero ngayon hindi siguro kasi ayaw ko namang isiping ganoon kasi ang partner ko ngayon si Angelica (Panganiban in Apoy sa Dagat).

She’s almost 10 years of my junior.

Then, si Shaina (Magdayao), 10 to 13 years of my junior sa movies.

“Ayaw naman nating ipakita ‘yung panahon na pati ‘yung mga tao maiilang sa nagpapa-bagets ka. I want to embrace my maturity.

I wanna embrace my adulthood. Hindi naman tayo forever bata.

Hindi naman tayo forever matinee idol, ‘di ba?” sabi pa ni Papa P.

Speaking of Shaina, good friends pa lang daw sila, “Ah, we enjoy each other’s company.

Yeah, we go out as group.

We watch movies.

We train together. Pero I guess, si Shaina na nga ang nagsasabi na ngayon lang niya nae-enjoy ‘yung singlehood.

So, steady. But if you’re asking me kung kami na that’s something you don’t want to broadcast, I don’t want to preempt.

Kasi kung may mga ganoon nga siyempre mahirap din sa showbiz, easily pre-judged,” diin ni Piolo.

As we’ve mentioned, harurot pataas pang lalo ang ratings ng Apoy sa Dagat. Katunayan, base sa datos ng Kantar Media mula Lunes (Abril 15) hanggang Huwebes (Abril 18), humataw ng 23% average national TV ratings ang “Apoy Sa Dagat” o halos 11 puntos na kalamangan kumpara sa nakuha ng katapat nitong teleserye na 12.9%.

Bilang pasasalamat sa walang-sawang pagsuporta ng mga manonood, isang grand fans day naman ang inihandog ng Apoy Sa Dagat leadstars na sina Angelica, Diether Ocampo at Piolo Pascual kahapon sa SM North Skydome.

Kasabay ng grand fans’ day, inilunsad din sa Linggo ang official soundtrack ng Apoy Sa Dagat kasama ang bagong singing sensation at 2013 Himig Handog P-Pop Love Songs finalist na si
Marion Aunor.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: