Skip to content

COCO ‘BINASTED’ ni ERICH

January 30, 2013

erich gonzales‘Nahiya ako sa kanya. Wala, natiyope, e!’

KUSA na palang umiwas si Coco Martin kay Erich Gonzales.

Napag-usapan kasi sa presscon ng Juan dela Cruz nu’ng Lunes nang gabi ang “nakaraan” ng dalawa kaya napaamin si Coco na minsan isang panahon ay nagpalipad-hangin.

Ayon kay Coco, talagang grabe ang paghanga niya kay Erich, at totoong kinikilig siya sa kanyang ka-loveteam.

Pero may nangyari raw kaya hindi itinuloy ni Coco ang pagporma niya kay Erich?

“Noong naramdamang kong medyo tagilid, ako na ang umiwas!” natawang sabi ng aktor.

Pagkatapos ng question and answer portion, muling kinausap ng press si Juan dela Cruz at muling tinanong ang tungkol sa panliligaw niya noon kay Erich, “Wala na naman yun. Matagal na ‘yun. Sa amin, biruan na lang iyon.

Ngayon naman, si Erich, alam naman natin na meron siyang iniibig. Siyempre, kumbaga, yung respeto sa kapwa.”

Dagdag pa ng binata, “Nahiya ako e. Kumbaga… wala, natiyope!”

May nagtanong naman kung hindi ba siya natatakot na baka pagselosan siya ng non-showbiz boyfriend ni Erich? “Hindi naman.

Kasi sabi ko nga, past na iyon and then ginagawa na lang naming biruan.

Kumbaga, sa akin naman, sobrang taas ng respeto ko sa kapwa ko kaya walang dapat ipangamba kung sino man iyong iniibig niya.”

Grabe ang chemistry ng dalawa base na rin sa trailer ng Juan dela Cruz, at kahit na nga walang namamagitan sa kanila ay marami ang kinikilig sa tambalan nila, “Sabi ko nga, yun ang maganda kasi ako, bilang artista, nakakatulong sa akin yun.

Kasi, di ba, kailangan n’yo ng kilig, e.

Kahit na wala kayong relasyon, kumbaga yun ang sikreto, e.

Kumbaga, kailangan may pinaghuhugutan ka.

“And then, sabi ko, bilang lalaki, humahanga ako sa kanya dahil sa kagandahan niya, sa kabaitan niya,” paliwanag pa ng magaling na aktor.

Nang tanungin naman si Erich tungkol sa napurnadang panliligaw nito, “Hindi ko naman masabing ligaw, kasi sasabihin kong, ‘A, ligaw,” tapos siya naman hindi.

Siguro palipad-hangin. Hindi naman natuloy. Wala, wala namang ganu’n.

“Nu’ng shooting days ng Noy (indie film na ginawa nila noon), mabilis lang, pero wala talaga.

Basta mabait si Coco.

Nung time na yun, alam niya na gusto ko magtrabaho lang talaga at ayokong pumasok sa isang relasyon.

“Feeling ko naman, hindi rin siya seryoso.

Ayoko namang sabihing basted…hindi naman, hindi naman dumating sa ganu’n,” esplika pa ng dalaga.

Dagdag pa nito, “At gaya ng sinabi ko, si Coco, maloko talaga, yung mga biro niya na parang, ‘Wag kang magpakasal, ibibili kita ng singsing.’ Mga ganu’n.”

Tungkol naman sa bagong titulo ni Coco Martin na “Bagong Hero ng Buhay Mo,” bukod sa “Prinsipe ng Teleserye” ng ABS-CBN, hindi naman daw niya masyadong inilalagay ito sa kanyang ulo.

“Sabi ko nga, bilang tao, bilang artista, alam ko naman yung responsibilidad ko sa mga manonood, sa mga taong umiidolo sa akin.

“Kumbaga, sabi ko nga, hindi lang bilang artista na umaarte ka, e, kailangan mong ayusin yung buhay mo, yung sarili mo.

Kasi inspirasyon ka nila, e, inspirasyon ka ng mga manonood,” dagdag pa nito.

Pahabol pa niya, “Kaya sobrang challenging sa akin ang Juan dela Cruz kasi may mga bagay ako, katangian ako bilang artista na hindi ko pa naipapakita sa ibang ginawa ko, na naipakita ko rito.”

Inaatake pa rin daw siya ng nerbiyos sa bawat bagong proyektong ginagawa niya, hindi naman daw siguro mawawala ‘yun, lalo na sa Juan dela Cruz na talagang ginastusan ng Dos, “Siyempre every project naman nakakatakot, nakakanerbiyos.

Pero sabi ko nga, minsan nasa team, e.

“Ako, sabi ko nga, kampante ako kasi magagaling yung bumubuo ng Juan dela Cruz kaya alam ko na magugustuhan ng mga tao ito,” sabi pa ni Coco.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: