Skip to content

AI AI delikado, dapat mag-ingat sa posibleng pagganti ni JED SALANG

May 21, 2013

aia jed salangTama lang na magkaroon ng mga bodyguard

HINDI kaya ang international singer na si Tina Turner ang tunay na  idolo ng BFF nating si Ai Ai delas Alas at hindi si Gov. Vilma Santos?

Yeah, si Tina Turner ang nagpasikat sa mga awiting “Private Dancer” at “What’s Love Got To Do With It”.

Kasi nga, despite everything na naibigay na niya sa kanyang asawa ay pananakit pa  ang inabot niya.

Isa siyang battered-wife – physically and emotionally.

Ganyan din si Tina Turner, grabe kung bugbugin ito ng kanyang asawa.

Even during sex – walang patawad kung bugbugin ito – as in, black and blue talaga.

Kung hindi hiniwalayan ni Ai Ai si Jed Salang, sa kuwentong narinig natin, baka hindi lang black and blue ang abutin ng mahal nating komedyana – baka mapatay pa siya ni Jed. Kasi nga, there was no love at all from Jed’s part, there was no emotion from him.

Kung ano man ang tunay na purpose nito sa pagpapakasal o pakikisama kay Ai Ai, iyon lang iyon.

May dahilan daw ito kung bakit nakisama kay Ai Ai – pinaniwalang minahal si Ai Ai gayong hindi naman pala.

Thursday evening pa lang ay nagkuwentuhan na kami nina kafatid na Ai Ai (with Lito “Yanggaw” Alejandria, Papa Ahwel Paz and Dondon Sermino) sa Zirkoh Morato at noon pa lang ay alam na namin ang buong istorya ng kanilang relasyon.

Nakiusap si kafatid na Ai Ai na ibalato muna namin sa kanya ang kuwentong ito hangga’t hindi pa siya nagsasalita.

Kaya tiklop ang mga bibig ko and never akong nagpasaring sa column ko about it.

May mga barkada kaming nagtatanong sa akin kung totoong hiwalay na sina Ai Ai and Jed pero siyempre, dahil nakapangako ako kay kafatid na Ai Ai na huwag muna siyang pangunahan, nagmaang-maangan ako sa mga friends ko.

Alam n’yo naman ako minsan, may pagka-Best Actress din. Ha-hah!

Hindi ko napanood si Ai Ai sa The Buzz last Sunday.

Nakatulugan ko ito dahil puyat ako the night before.

After kong mag-lunch last Sunday ay dumiretso na ang tulog ko.

Hindi ko napanood kung paano umiyak ang mahal nating kafatid – na-touch ako sa mga nabasa kong kuwento na kasama niya ang panganay niyang si Sancho Vito na inosente rin pala sa mga sakitang nangyari between Ai Ai and Jed.

Ang alam lang kasi ng mga bata ay masaya ang kanilang ina, hindi nila alam kung anu-anong hirap ang pinagdadaanan nito sa kamay ng lalaking napangasawa.

Sinasaktan nga ba ni Jed Salang ang kanyang sarili pag hindi na nakukuha ang gusto niya?

Kung totoo man ito, he needs psychiatric help. He must be sick or what.

Kasi nga, kung normal ang isang tao, he will not hurt himself physically.

Nakakatakot kasama sa bahay iyan. Sana hindi totoong ganoon si Jed.

Anyway, that night na nag-uusap kami nina Ai Ai, Lito, Dondon and Papa Ahwel sa Zirkoh, tinanong namin si Ai Ai kung seryoso na ba siyang hiwalayan si Jed and she said YES.

Kasi nga, mahirap makisawsaw sa isyu nilang mag-asawa kung hindi naman siya sure, di ba?

Baka ang ending, in the name of love ay tayo pa ang maipit at maiwan sa ere pag may nai-comment tayong hindi kagandahan.

Ang daming kuwento about them na mahirap na lang idetalye pero most of which ay nailahad naman  ni Ai Ai sa interbyuhan nila ni Kuya Boy Abunda sa The Buzz.

Since nasabi na ni Ai Ai ang lahat-lahat about Jed, aba’y dapat ay decided na siya talagang hindi makipagbalikan ha.

Kasi nga, baka mabola na naman siya ni Jed dahil alam naman natin kung gaano niya ito kamahal to this day, baka ang sumunod diyan ay hindi lang bugbugan, baka ilibing na si Ai Ai sa susunod na eksena nila.

Natural na hindi payag si Jed na masira lamang ang pangalan niya nang ganoon-ganoon na lang.

May ganti iyan, may balik iyan.

Kaya tama lang na may protection si Ai Ai and her family mula sa PSG or any members of the authority.

Delikadong usapin ito, may sinasabi rin ang pamilya ni Jed.

Hindi naman taga-squatter lang ang taong iyan, may kaya rin naman iyan.

Nalulungkot kami para kay Ai Ai, in the name of love ay nangyari na naman ito sa buhay niya.

What’s love got to do with it?

Hay buhay…the local Tina Turner…a fairytale turned into a nightmare.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: