Lumaktaw sa nilalaman

Jose dedma sa demanda ng asawa

Marso 9, 2012

Hanggang ngayon ayaw pa ring magsalita

BAGO pa man pala nagsalita ang asawa ng TV host-comedian na si Jose Manalo tungkol sa kanilang paghihiwalay at sa diumano’y pagkakaroon ng ibang babae nito ay nakapagsampa na siya ng kaso sa Office of the Prosecutor sa San Juan City.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nag-file ang asawa ni Jose na si Annalyn Manalo ng kasong pang-aabuso noong Feb. 27, 2012 ilang araw bago siya magsalita sa The Buzz nitong nakaraang Linggo.

Sa nasabing TV interview sinabi ni Annalyn na inabandona silang mag-iina ni Jose at diumano’y may kinakasama na itong ibang babae.

Sa kanyang complaint affidavit, sinabi ni Annalyn na sila’y, “emotionally and verbally abused” kasabay ng pagsasabing noon pa raw January, 2012 sila iniwan ng komedyante.

Pero aniya noon pang kalagitnaan ng 2011 niya alam na may ibang babae ang kanyang asawa. Pero lagi lang daw itong idinedenay ni Jose.

Ayon pa sa affidavit ni Annalyn, “As time went by, the respondent’s outbursts of foul language directed towards me were soon accompanied by extreme violence consisting of him destroying some of our house furniture and other items.

There were even times that he spat on my face during his outbursts…”

“Unthinkably, respondent (Jose) would even call out all of his children, including his minor children, from their respective rooms just to say to them: ‘Tingnan ninyo ang nanay ninyo, (expletive) ito, eh,” sabi pa ni Annalyn sa kanyang isinampang affidavit.

Nakatakda namang dinggin ang sa Office of the City Prosecutor ang preliminary investigation sa March 14 at March 21.

Hindi pa rin nagsasalita si Jose tungkol dito, at inaasahan naman ng marami ng magiging matapang ang komedyante sa pagharap sa kasong ito at sasagutin ang isinampang kaso ng asawa laban sa kanya.

Hintayin na lang natin kung ano ang magiging resbak ni Jose sa kanyang misis.

No comments yet

Mag-iwan ng puna