Skip to content

MATTEO: Nagawa na yata namin ni JESSY lahat ng sensual sa Paraiso!

March 13, 2013

matteo guidicelliWE’RE very close friends,” ito ang paulit-ulit na pahayag ni Matteo Guidicelli tungkol sa relasyon nila ni Jessy Mendiola na leading lady niya sa panghapong serye ng ABS-CBN na Paraiso.

Nakatsikahan namin ang aktor sa post Valentine party ng JLD Talents (ni Jojie L. Dingcong) na ginanap sa Congo Grille sa Tomas Morato, Q.C. at sinabi nga namin sa kanya na kapag sinabing very close, ‘yun na ‘yun (magdyowa na) na sinagot naman ni Matteo ng, “Yun na nga!” sabay tawa nito.

Saan ba nahuhuli ang isda, bossing Ervin, hindi ba sa bibig din nito?

At sabi nga, kaya kami na ang nagsasabing may relasyon na nga sina Matteo at Jessy.

Pero hirit pa rin ng aktor, “Hindi pa kami, pero espesyal siya sa akin, at alam niyang nandito lang ako para sa kanya.

May understanding kami basta ganu’n.”

“Hindi na namin kailangang pag-usapan ‘yun dahil automatic na ‘yun para sa aming dalawa,” dagdag pa ng aktor.Samantala, kumalat sa Instagram ang litrato nila ni Jessy na eksena sa Paraiso, masyadong sensual ang nasabing kuha kaya tinanong namin si Matteo kung na-turn on siya sa dalaga, “Turn-on talaga?

Siyempre marami kaming sensual at magandang babae si Jessy, siyempre, walang hindi mate-turn on sa kanya,” pag-amin ni Matteo.

Pinagpapantasyahan ba ni Matteo si Jessy kapag nag-iisa siya? “Hindi na kailangan kasi lahat ng mga sensual na eksena nagawa na naman namin sa Paraiso.

Kaya wala nang pantasya-pantasya,” katwiran ng aktor.

Ideal girlfriend ba si Jessy? “Puwede siya, ‘coz she’s very hardworking, bigay na bigay sa work niya, very understanding, sobrang mabait talaga siya.”

At sila rin ng dalaga ang magka-date noong Valetine’s day, “We watched ‘Foursome’ concert, “ nakangiting sabi ng aktor.

Samantala, hindi nagtagal si Matteo sa party dahil kinailangan na niyang bumalik sa taping ng Paraiso sa San Jose del Monte Bulacan kaya kaagad siyang nagpaalam.

Kasama rin ni Matteo sa JLD talent management sina Derek Ramsay, Bianca Manalo, Raymund Yap, John James Uy, Paolo Ballesteros, Edward Mendez, Gerard Sison, Alexander Diaz, Anton del Rosario, Chaye Cabal Revilla, Carl Lopez at Cristalle Henares.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: