Skip to content

MATT EVANS naanakan ang live-in partner, pero hindi niya mahal

October 28, 2012

Si Matt Evans ang naging paksa ng isang grupo ng mga nagtatrabaho sa isang malaking network isang gabi.

Tinitimbang nila kung ano talaga ang nangyari tungkol sa pagkakulong ng aktor na nakilala nilang marespeto at walang kaangas-angas sa katawan.

Sumpa ng mga nandu’n, mula nang iluwa ng PBB house ang aktor ay wala silang naranasan, kahit minsan lang, na sakit ng ulo mula sa mestisong aktor, kaya malaking sorpresa para sa kanila ang mga akusasyon laban kay Matt.

Sabi ng isa, “Hindi kaya masyado nang naaaburido ang batang ‘yun dahil wala na siyang magagandang projects ngayon?

Matagal na kasi siyang parang pa-extra-extra na lang sa mga shows na ginagawa niya, samantalang dati nga naman, e, palaging siya ang bida sa mga programang ibinibigay sa kanya ng Dos!

“Ano nga kaya ang nangyari at parang inalat siya sa network?

Magaling naman siyang umarte, very professional naman siya, bakit kaya hindi siya nabibigyan ng magagandang projects ngayon?“Ganyan ang nangyayari sa mga personalities na hindi nakukuntento sa takbo ng career nila, depression ang umaatake sa kanila, madalas mag-init ang ulo nila, hindi kaya ganu’n ang nangyayari ngayon kay Matt, kaya ganyan?” tanong-opinyon ng naturang impormante.

Meron namang mga nagsasabi na dala ng pagpapadalos-dalos ni Matt ay nagdalantao ang babae, pero hindi niya naman ito mahal, wala na lang magawa ang aktor kaya pinanin-digan ang anak ng isang dating sexy star.

Kung totoo ‘yun ay walang ibang maaaring sisihin ngayon si Matt Evans kundi ang kanyang sarili lang.

Dala ng kabataan ay madali siyang nagpadala sa tawag ng laman, pero nagbunga ‘yun, at wala talaga siyang pamimilian kundi ang panindigan ang naging resulta ng kanyang kapabayaan.

Nakilala rin namin si Matt Evans bilang isang aktor na marespeto, walang kaarte-arte at marunong makisama, kaya nakagugulat para sa amin ang problemang kinasasangkutan niya ngayon.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: