Skip to content

CARMINA: Sa wakas, tinupad na ni ZOREN ang promise niya sa akin!

November 17, 2012

“FINALLY, heto na talaga! Hindi naman na kailangan pero tinupad niya.

Sobrang saya ko!” Ito ang emosyonal na pahayag ni Carmina Villaroel matapos ang kasal nila ni Zoren Legaspi na ginanap sa Fernbrook Garden sa Alabang, Muntinlupa.

Sa interview ng Showbiz Inside Report na ipalalabas ngayong Sabado sa ABS-CBN sinabi pa ni Carmina na talagang na-shock siya sa ginawa ni Zoren.

Talagang sinadya raw ng aktor na gulatin si Carmina sa sorpresang kasalan.

Magkahalong pagkagulat at saya ang nadama ni Carmina sa biglaang paghatid sa kanya sa altar ni Zoren dahil inakala nitong isang photoshoot lang para sa isang commercial ang kanilang  pupuntahan.

Sa tulong ng kanilang kambal na sina Mavy at Cassy, ng mga pamilya Legaspi at Villaroel, at ng ABS, nagawang itago ni Zoren sa loob ng halos dalawang buwan ang mga detalye ng kanyang preparasyon para sa kasal.

Kabilang sa mga dumalo sa kasalang Carmina at Zoren ang kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz. Kabilang sa mga ninong at ninang sina Grace Poe Llamanzares, Eric Quizon at Kris Aquino.

Nandu’n din sina Susan Roces, Maricel Soriano, Mother Lily Monteverde, Gelli de Belen, Aiko Melendez, Candy Pangilinan, Janice de Belen, Joey Marquez, Amy Austria, Tirso Cruz III at Joel Torre.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: