Lumaktaw sa nilalaman

Hindi na si Kris ang host ng Deal or no Deal

Enero 14, 2012


PABALIK na ng Maynila ngayon si Kris Aquino kasama ang staff niya galing ng Boracay Island (kung saan nga sila nag-trekking) para makadalo sa premiere night ng seryeng

Walang Hanggan ngayong gabi sa SM Megamall.

Nasulat namin dito sa BANDERA nu’ng Martes na napili ni Kris ang Boracay para doon mag-ehersisyo dahil nabasa raw niya sa libro na kapag nasa tabi ka ng dagat o nature ay may sense of peace.

Ang goal niya ay makumpleto ang 8 to 10 kilometers a day.

Kaya naman kinumusta namin ang TV host-actress kahapon kung nabuo ba niya ang walo hanggang 10 kilometrong trekking, “I did 7 kilometers walking, then nag-10 kilometers of recumbent bike sa gym.

Two hours of exercise, ang sarap mag-exercise, I will have deep tissue massage sa spa at 4 p.m.,” kuwento niya sa amin.

Samantala, tinanong din namin si Kris kung totoong hindi na siya ang magiging host ng magbabalik na Deal Or No Deal? “Deal isn’t mine.

I will a start soap with DTE’s (Deo T. Endrinal) unit on February 21,” mabilis na sabi niya sa amin.

Sa madaling salita ay pinaghahandaan niya ang pagbabalik teleserye niya kaya siya nage-exercise? “I just want to be FIT! Kasi that’s my 2012 goal. Maging physically active,” katwiran sa amin.

Tinanong din namin siya kung sino na ang bagong host ng Deal Or No Deal pero hindi na kami sinagot ni Kris, kaya nagtaka kami.

Ibig bang sabihin nito, marunong na ring magpreno ng kanyang bibig ang TV host?

No comments yet

Mag-iwan ng puna