Skip to content

SHARON sa bagong manliligaw ni KC: lalaking-lalaki! hindi po siya babae!

September 18, 2012

Sino  sa mga ex-BF ng anak ang pinatatamaan?

MARAMING natawa sa mga naging pahayag ni Sharon Cuneta tungkol sa bagong manliligaw ni KC Concepcion.

Ang tinutukoy namin ay ang French suitor ng TV host-actress na si Pierre Emmanuel Plassart na isang photographer at filmmaker.

Nakilala na raw ito ni Mega at napakadisenteng tao raw nito, “Alam mo ‘yan, nagpakilala sa amin nang matino.

In fact, when we met him, sa akin siya unang lumapit, hindi kay KC.

I met his mother  we met in an event in the States.

Katabi ko si Kace pero sa akin siya unang nagpakilala.“He introduced himself to me first.

Then ako naman ang nag-introduce kay KC,” sabi ni Sharon sa isang interview.

“It shows how well he was raised. He loves his mom but he’s not a mama’s boy,” dagdag  nito.

Bukod dito, natutuwa rin daw si Sharon sa manliligaw ni KC dahil nakikita niyang pinahahalagahan din nito ang dalawa pa niyang mga anak, sina Frankie and Miel.

At ito pa ang nakakalokang pahayag ni Mega tungkol kay Pierre, “Lalaking-lalaki! Very nice boy.

Pero hindi siya mama’s boy, ha! Gusto ko lang linawin na hindi siya babae.”

May pinatatamaan kaya si Mega sa mga sinabi niyang ito?

Ano naman kaya ang masasabi diyan ng ex-boyfriend ni KC na si Piolo Pascual?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: