Skip to content

Mga anak ni CHIZ nadadamay na sa iskandalo

March 26, 2013

chiz familyAy, dahil din sa mga nagsanga-sanga nang intriga at kontrobersya sa love affair nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, at sa patuloy ding pag-apela ng parents ng aktres na tigilan na ito ng butihing senador, mismong ang dating asawa na ni Chiz ang nangtanggol sa kanya.

Sa nakuha naming statement galing kay Ms. Christine Flores, ang dating asawa ni Sen. Chiz at ina ng kanilang kambal, ramdam mo ang magandang respeto at pakikitungo nito sa dating asawa.

Sinabi nito, “The recent issue involving my former husband and Ms. Evangelista and her parents have been very disturbing for me and my chidlren.

I am sincerely appealing to all concerned to please respect my privacy and that of my chidlren.

Whatever differences Chiz and I had in the past has nothing to do with that, and the false accusation about me being physically abused by him is definitely NOT TRUE.

“I don’t think he can ever do that to anyone. I am saddened by the fact that this whole thing has turned into a media circus.

Thus affecting and hurting people who are not involved,” aniya pa.

Matatandaang noong kasagsagan ng kontrobersya sa dating mag-asawa ay never na nagpaunlak si Christine na magsalita dahil sadya namang maayos nilang napag-usapan ng dating asawa ang kanilang mga differences.

Nalulungkot lang daw talaga siya na may lumabas na ganitong akusasyon hinggil sa pagkatao ng ama ng kanyang mga anak kaya’t minabuti na niyang magbigay ng pahayag para protektahan din ang karapatan ng mga anak nila ni Chiz.

Bongga na talaga ang showbiz at politics di ba kapatid na Ervin?

Teleseryeng-teleserye ang peg, pero lubos tayong magbibigay ng respeto at pang-unawa dahil hindi nga naman dapat na nadadamay at nasasaktan ang mga taong hindi naman talaga involved.

At sa sinabing iyan ng ex-wife ni Sen. Chiz, may isasagot pa kaya ang parents ni Heart?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: