Skip to content

‘MARTIN, ikaw ang dapat mahiya sa sarili mo!’

September 18, 2012

Mga bumabatikos kay Kedebon sinabihan ng, ‘Shame on you!’

NABAWASAN ang respeto at paghanga namin sa dating Concert King na si Martin Nievera.

Maraming nagalit at nabwisit sa singer na ito bilang judge-mentor sa X Factor Philippines ng ABS-CBN nitong Linggo.

Sa ginawa kasi niyang pagtatanggol sa “alaga” niyang si Kedebon Colim na siyang napatalsik sa labanan last Sunday night ay nagbitiw siya ng mga salitang nakakapanginig ng laman lalo na doon sa mga sinasabi niyang bumabatikos sa nasabing contestant na wala naman talagang karapatang manalo sa X Factor. At sigurado akong marami ang sasang-ayon diyan.

Pagkatapos ihayag ang pangalan ni Kedebon na siyang natanggal sa bottom two ay nag-dialogue si Martin na hindi nagustuhan ng mga manonood, lalo na ang mga hindi sang-ayon sa pagkakapasok ni Kedebon sa X Factor sa simula pa lang.

Ang nakakalokang dialogue ni Martin, “Kedebon, ang dami mong fans dito. Everybody loves you. And to all those who now consider themselves bashers and haters, you survived all of them.

And to all of you who did the bashing and hating, shame on you. Here stands a champion, my hero, Kedebon!”

Martin Nievera, unang-una, ikaw dapat ang mahiya sa sarili mo dahil alam mong sa simula pa lang ay hindi mananalo ang alaga mong ‘yan.

Napakaraming mas magagaling at mas nagtataglay ng x factor sa mga pinagpilian n’yo na posibleng naging champion pa.

Napakaraming natanggal na mas deserving manalo (like Joan Da na alaga ni Pilita Corrales) nang dahil sa pagtatanggol mo sa contestant na ‘yan. Nakapanghihinayang.

Pangalawa Martin, kung talagang naniniwala kang may chance na manalo si Kedebon sa X Factor dapat ang Daddy’s Home ang pinauwi mo.

Sana pinangatawanan mo na ang pagpuri mo sa alaga mo.

Pero inconsistent ka rin, e.

Sasabihan mong “shame on you” ang lahat ng mga bumabatikos sa alaga mo, tapos ikaw mismo nilaglag mo siya!? Ano ‘yun?

Sabi nga ng aming pinsan na si Yza Caruz na nabwisit din sa sinabi ni Martin, “Eh bakit nya pinauwi…out of what? delikadeza…na ginagawa lang niya ang task nya maging judge..heler! Eh bakit siya magsasalita ng ganu’n..shame on him!

Manalamin nga siya. Lam naman nya siguro meaning ng credibility..sige as a singer no doubt aboit that..eh as a person?

“Wag magmalinis..alam ng lahat about u..besides dahil alam niyang compared sa mga natitirang contestants…eh ala talagang kalaban laban si Kedebon na yan…sana noon pa niya pinauwi ‘yung contestant niya,” dagdag pa nito.

In fairness, naniniwala naman kami na may future si Kedebon sa showbiz, pwedeng-puwede siyang maging komedyante dahil kahit paano’y marami naman ang natutuwa sa kanya. Pero sa X Factor, naman, naman!

Narito naman ang naging last message ni Kedebon sa X Factor, “First of all, I wanna thank my God, Top 6 grabe di ako makapaniwala.

Sobrang na-prove ko na nothing is impossible talaga.

Tapos, I really thank sa mga sumusuporta sa akin, sa mga bumoboto, di talaga ako makapaniwala sa inyo na binoboto nyo ako, til the end of time.”

“Tapos, Daddy (niyakap si Martin), thank you so much.

Maraming salamat sa mga ginagawa mo sa akin, sobrang bless ako na nakilala kita.

Noon pinapanood kita sa TV ngayon nandito na ako sa loob ng TV,” pagtatapos nito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: