Lumaktaw sa nilalaman

Kris Aquino for President … huwag naman!

Enero 27, 2012

Yes, matalino at magaling siyang TV host, pero…

NAKAKALOKA talaga itong manghuhulang si Robert Das, ayon kasi sa kanya, magiging presidente raw si Kris Aquino in the future.

After daw yata ng term ni PNoy, magkakaroon muna raw ng isa pang presidente bago si Kris. Marami ang natawa rito, pero marami rin ang kinabahan.

Kasi nga, what will happen to this country if Kris becomes president?

Sakali mang maging pangulo siya ng bansa, ibig sabihin niyan ay pangatlo na siya sa pamilya nilang magiging pangulo.

At baka maging pang-apat one day si Bimby – ang anak nila ni James Yap. Ha-hahaha!

Malay mo, we cannot predict one’s destiny, di ba?

If you were to ask me, hindi ko pa nai-imagine na maging presidente si Kris Aquino.

Hindi ko pa talaga mawari as of the moment. Kahit sino naman ay puwedeng maging presidente, e.

Pag siya na siguro ang pangulo, baka si Vice Ganda ang maging Vice-President niya, tapos si John Lapus ang Secretary of Justice, Liz Uy as Tourism Secretary, Anne Curtis as MTRCB chair and so on and so forth.

Ganoon siguro ang magiging tayo ng ating plantilla sa gobyerno. Malay natin.

Honestly, para sa akin, kapag naging pangulo nga si Kris, uuwi na lang siguro ako ng Iloilo at magtatanim ng kamote.

Hindi ako magbabasa ng kahit anong diyaryo at di ako manonood ng TV para wala akong maibigay na opinyon on anything about her presidency.

Para hindi ako makapag-react sa anumang gagawin niya sa mundo, di ba? I will live a very peaceful life, something very quiet.

Yung parang wala lang, at maghihintay na lang ako ng paglipas ng anim na taong panunungkulan niya bago ako uuwi rito uli sa Manila – stronger and more vigilant by then.

Eiwww!As in eiww talaga pag siya ang naging presidente ng Pilipinas.

I see in Kris a good TV talkshow host – not even as a good actress.

Tama na ang maging mahusay siyang TV host dahil she is very intelligent, very eloquent.

Pero hanggang ganoon lang, maybe magiging successful din siyang negosyante dahil marunong siyang humawak ng mga taong gusto niyang gamitin.

She has the guts to do it. Kung sino ang sikat, doon siya nakikibarkada, aminin man niya ‘yan o hindi.

Anyway, I will pray sa lahat ng santo sa mundong ito na huwag namang hayaang maging pangulo ng bansa natin si Kris Aquino.

Huwag naman. Okay na ang maging star siya all her life as a TV host, huwag naman as the head of our country.

Maawa po kayo sa amin, hirap na hirap na nga kami sa pamumuno ng kanyang kapatid na walang ginawa kundi bigyan ng pwesto sa gobyerno ang mga malalapit sa kanya, what more pag si Kris pa ang nasa Malacañang?

Nakakatakot ito, promise!

Anyway, may nagtanong sa akin minsan kung ito raw bang si Robert Das ay bayarang manghuhula ni Kris Aquino?

Ayoko namang isiping ganu’n, pero sa itinatakbo ng mga hula niya, hindi nga kaya may link sila na hindi natin alam?

Yung una niya kasing hula ay ang pagkakaroon daw ng anak na babae ni Kris, mabubuntis daw kasi siya this year and surprisingly, ang makakabuntis daw sa kanya ay si Coco Martin.

Nang malaman ni Kris ang hulang iyon, hindi man lamang siya nag-react negatively, sinakyan niya nang husto ang issue dahil sikat nga si Coco.

Kung ang tinukoy na lalaki siguro sa kuwento ay isang tulad ni Kristoffer King or si Anton Bernardo, baka nag-hysterical na siya at baka makatikim pa sa kanya si Robert Das.

Hay naku, Robert Das. Ikaw na talaga!

No comments yet

Mag-iwan ng puna