Skip to content

KIM CHIU walang bisyo, hindi malandi, virgin na virgin daw

December 12, 2012

kim chiuTuwang-tuwa ang lead star ng top-rating family drama series ng ABS-CBN na Ina Kapatid Anak na si Kim Chiu sa parangal na ibinigay sa kanya kamakailan ng prestiyosong Anak TV Seal Awards bilang isa sa mga Makabata Star nito para sa taong 2012.

“Maraming maraming salamat po sa karangalang ito,” ani Kim.

“Natutuwa po ako at makasisiguro po kayong ipagpapatuloy ko ang pagiging isang mabuting huwaran sa mga kabataang Pilipino.”

In fairness naman kay Kim, wala pa itong matinding kontrobersiyang kinasangkutan, hindi siya natsitsismis na laging laman ng mga bar at lumalaklak ng alak, wala rin tayong naririnig na nagiging kaaway niya.

At kahit may mga kaibigan daw ito na sinasabing bad influence, hindi naman daw ito “nagpapahawa”.

Sabi nga ng isa naming friendship, feeling niya virgin na virgin pa ang aktres.

Kung sa tunay na buhay ay pawang magagandang bagay ang nagaganap sa buhay ni Kim, taliwas naman dito ang pinagdaraanan ng kanyang karakter sa Ina Kapatid Anak na si Celyn. Dahil bukod sa labis na paghihigpit na ginagawa ng kanyang inang si Teresa (Cherry Pie Picache), tuluyan nang naiipit si Celyn na gawa-gawang relasyon nila ni Ethan (Enchong Dee).

Mapipigilan pa ba ni Celyn na lubusang mahulog ang loob niya kay Ethan?

Anong gagawin ni Margaux (Maja Salvador) kung matuklasan niyang ang bestfriend niyang si Celyn ay unti-unti nang nagugustuhan ng boyfriend niyang si Ethan?

Patuloy na tutukan ang pakikipaglaban para sa karapatan sa Ina Kapatid Ana gabi-gabi, pagkatapos ng Princess And I sa ABS-CBN Primetime Bida.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: