Skip to content

Kasal nina AI AI at JED SALANG sa simbahan tuloy na DEC. 8

April 19, 2013

aiai delas alas jed salangWedding gown sagot na ni Kris; magiging ka-level daw ni Ai Ai  sina Angelina Jolie, J-Lo at Taylor Swift  

KILALANG international designer pala ang gagawa ng wedding gown ni Ai Ai delas Alas sa gaganaping church wedding nito kay Jed Salang sa darating na Dec. 8, 2013.

Kuwento mismo sa amin ng taong malapit kay Ms. A na sagot pala ni Kris Aquino ang wedding gown at make-up niya, “Sikat na designer na taga-Middle East ang gagawa kaya bongga si Ai.”

Ayaw banggitin sa amin kung sino ang nasabing designer dahil ayaw daw ipasabi pa ni Ms. A at ni Kris kaya nag-research kami at ang pangalang lumabas ay si Reem Acra.

Ang mga kilalang Hollywood celebrities na kadalasang nagsusuot ng design ni Reem ay sina Jennifer Lopez, Eva Longoria, Selena Gomez, Taylor Swift, Kristen Stewart, Halle Berry, Carrie Underwood, Jayma Mays, Christina Applegate at Angelina Jolie. Hmmm, bongga si Ai Ai dahil makaka-level na niya ang mga nabanggit na Hollywood stars.Nabanggit dati ni Ms. A noong naghahanap siya ng mapapangasawa na kung sakaling ikasal siya ay gusto niya sa Manila Cathedral at matutupad na raw ito, “Gusto kasi ni Ai mahaba ang lalakarin niyang aisle at hindi siya naniniwala na lahat ng nagpapakasal sa Manila Cathedral ay naghihiwalay.

“Iniisip pa kung saan ang reception, pero for sure within the vicinity na lang para hindi na lalayo pa,” kuwento pa ng taong malapit sa komedyana.

Suhestiyon namin sa aming kausap na sa Fort Santiago na lang para malapit lang at tatawirin na lang ng mga bisita samantalang nakakarwahe naman ang bagong kasal.

Naka-text namin si Ai Ai noong Martes ng gabi habang nasa Whistle Stop sila sa ABS-CBN tungkol sa binili niyang Porsche.

“Para sa sarili ko ‘yung Porsche friend, regalo ko sa sarili ko, si Jed, binilhan ko naman siya ng Genesis (2013 Hyundai Coupe 3.8),” sabi sa amin.

“LV (Louis Vuitton) bag,” ang sagot sa amin ng komedyana nang tanungin namin kung ano ang regalo sa kanya ni Jed.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: