Lumaktaw sa nilalaman

Ina ni Ramgen umamin nasa kanya ang laptop ng anak na may sex video

Enero 4, 2012

INAMIN ni Genelyn Magsaysay, ina ng napatay na aktor na si Ramgen Bautista, na nasa kanya ang ilang mga pag-aari ng anak, kabilang na umano ang sinasabing laptop na naglalaman ng sex video ng anak at nobyang si Janelle Manahan.

Ang ginawang pahayag ni Genelyn ay taliwas sa unang sinabi nito na ang lahat ng gadgets ng yumaong anak ay ibinigay na sa mga awtoridad na nag-iimbestiga ng kaso.

Sa isang televised na phone-patch interview, bagamat inamin niy Genelyn na nasa sa kanya ang laptop ng anak ay hindi rin umano m nilaabuksan ang mga laman nito dahil sa protektado ito ng password.

Humirit din ito na baka ang girlfriend ng anak na si Janelle ang nakakaalam ng password.

No comments yet

Mag-iwan ng puna