Lumaktaw sa nilalaman

One on One with Xyriel Manabat: Child star ng taon

Disyembre 18, 2011


NI JULIE BONIFACIO

BUSIEST child star ng 2011 ang napakahusay na si Xyriel Manabat. First biggest break pa lang niya sa isang primetime teleserye na Agua Bendita kung saan pinagbidahan ni Andi Eigenmann ay kinakitaan na agad ng angking galing sa pag-arte ang bagets

Kaya naman binigyan agad siya ng kasunod na teleserye kung saan bida na agad siya sa Momay kasama ang batikang aktres na si Lorna Tolentino.

Pagkatapos ng Momay ay pinagsama sila sa unang pagkakataon ng isa pang biggest child discovery din ng ABS-CBN na si Zaijian Jaranilla.

Muli ay nagbida siya on her biggest and most challenging role so far sa top-rating primetime teleserye ng taon na 100 Days To Heaven bilang si Ana Manalastas.

At ngayon, magkasama sila ulit ni Zaijian sa drama series ng Kapamilya network, ang Ikaw ay Pag-ibig.


Bukod sa mga teleserye, lumabas sa apat na malalaking pelikula ng Star Cinema si Xyriel. Una, ang top-grossing film sa 2010 Metro Manila Film Festival na “Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To)” kung saan gumanap siya bilang apo ni Ina Montecillo portrayed by the Box-Office Queen herself, Ai Ai delas Alas.

Sumunod, ang “Pak!Pak! My Dr. Kwak!” kasama naman niya ang Box-Office King na si Vic Sotto and Bea Alonzo. Join din si Xyriel sa pinagsanib lakas na movie nina Vic at AiAi for this year’s December filmfest, ang  “Enteng Ng Ina Mo.”

And this coming Jan. 8, 2012, may nakaabang din siya na movie titled “A Mother’s Story” na pinagbibidahan ni Pokwang. Sa presscon ng “A Mother’s Story” naka-one-on-one namin si Xyriel para sa BANDERA and here she revealed herself na bata pa talaga siya despite the “mature” roles na ginampanan niya sa TV at pelikula.

BANDERA: Anong plano mo ngayong Pasko bukod sa pagpo-promote ng movie nila na “Enteng ng Ina Mo?”
XYRIEL MANABAT: Wala po kaming Christmas kasi po Iglesia ni Cristo po kami. Pero happy naman po kasi kahit wala kaming ganu’n at least po, masaya pa rin po kami.

B: Ano’ng ginagawa n’yo kapag December 25?
XM:Pasyal lang po. Hihihihi. Kahit saan po basta pumapasyal kami.

B: Nagse-celebrate rin  ba kayo ng New Year?
XM: Opo, New Year. Nagpapaputok po siyempre. Opo, nagpapaputok ako. Minsan po sinturon ni hudas, ‘yung pop-pop, kwitis, luses.

B: Sasakay ka ba sa float ng “Enteng ng Ina Mo” sa MMFF parade on Dec. 24?
XM: Opo.

B: Ano ang gusto mong matanggap na regalo mula kay Ai Ai at Pokwang ngayong Pasko?
XM: Ako po, kahit ano po. Wala po akong material na gift na gusto. Pero ang collection ko po  Hello Kitty.

B: Ano para sa ‘yo ang pagkakaiba nina Ai Ai at Pokwang?
XM: Wala po. Pareho lang po silang mahusay umarte at magpatawa.

B: Sino ang mas sweet sa iyo between the two?
XM: Parehas po. Pareho ko rin po sila na favorite kasi pareho silang malambing sa amin. Pareho po silang mabait, magaling umarte at saka magpatawa.

B: Nami-miss mo na ba si Coney Reyes na nakasama mo sa 100 Days?
XM: Opo, sobra po. Kasi po para pong mama ko na po siya kasi ang dami niyang tinuturo sa akin. Lagi niya po akong nireregaluhan. Miss na miss  ko na po si Tita Coney.

B: E, si Vic Sotto nami-miss mo rin ba?
XM: Hindi po, kasi lagi kaming nagkikita sa shooting ng ‘Enteng ng Ina Mo,’ e. Kahapon po kakikita lang namin.

B: Niregaluhan ka na ba ni Vic?
XM: Hmmm… hindi  po.  Okey lang po kasi wala naman ‘yun sa regalo, at least po mabait po ‘yun.

B: Wish mo bang magkaroon ng acting award?
XM: Opo. Sana po.

B: Gusto mo rin bang mag-travel abroad next year?
XM: Ano po ‘yun? (in-explain namin sa kanya). Ay, hindi po. Bahay lang. Luto-luto lang kami o kaya magpapaputok. Kung kailangan, e ‘di sige po. Pero kapag hindi kailangan, para masaya po, ano na lang, whole family na lang po. Para family bonding po.

B: Ikaw ba ang bre?adwinner  sa pamilya n’yo
XM: Hindi po. Si Mama ko po sumasama sa akin. Si Papa, nag-aano po sa tindahan namin. Pagkatapos minsan nagtitinda sila ng barbecue.

B: Ano ang ginagawa mo kapag napapagod ka na?
XM: Wala po, pahinga lang. Basta po pahinga.

B: This year ang dami mong pelikula, e, ‘di ang dami mo na ring pera?
XM: Hindi naman po ‘yun sa pelikula o kaya sa pera, e. Kasi kailangan lang po mabait ka at lagi mong love si God.

B: Aware ka ba na isa ka na rin sa mga teleserye princess ng ABS dahil sunud-sunod din ang show mo sa primetime ng Kapamilya network?
XM: Hindi naman po, e. Basta thank you na lang po sa mga sumusuporta sa akin.

B: Hindi ka ba nagkakaroon ng attitude? Alam mo ba ang ibig sabihin ng attitude?
XM: Alam ko po ‘yun. Pero hindi ko po ginagawa ‘yun kasi po hindi naman ‘yun maganda.

B: Pumapasok ba sa isip mo na sikat na sikat ka na?  
XM: Hindi po.

B: Marami ang nagagalingan sa iyo kahit ang liit-liit mo. May nagsabi na ba sa iyo ng ganito?
XM: Thank you na lang po sa kanila pero may iba pong nagsasabi sa akin noon. Masarap po sa pakiramdam kasi po hinahangaan ka po ng tao.

B: Ano naman ang nagpapainis kay Xyriel?
XM: Wala po, ‘yung ano lang po kapag inaaway  po ako, kapag inaasar.

B: Sino ang nang-aasar sa ‘yo?
XM: Hmm, secret po. Hahahaha! Wala naman po.

B: Close ba kayo nina Mutya Orquia at Zaijian Jaranilla?
XM: Opo,  close po kami ni  Kuya Zijs.

B: Ano ang pinag-uusapan n’yo ni Zaijian? Lovelife?
XM: Hindi po, kuya ko po si Kuya Zijs, e. Ten years old po ‘yun, ako po seven years old pa lang.

B: Kailan ba para sa iyo ang tamang panahon para maki-pagrelasyon?
XM: Kailangan po, una, mag-aaral ka pong mabuti. Magtatrabaho ka po. Pagkatapos mong magtrabaho, mag-boyfriend ka po saka mag-asawa. Saka kasunod po,  magpakasal.  Pero ako po hindi ako mag-aasawa.

B: Bakit naman?
XM: Kasi baka awayin ako, e. (mahina niyang sabi)

B: Siyempre pipili muna dapat ng tamang lalaki, ‘di ba?
XM: E, baka po ‘pag una  mabait pero ‘yun pala masama.

B: Kaya nga may boyfriend-girlfriend stage kung saan para makilala n’yo ang isa’t isa, ‘di ba?
XM: E, ‘di boyfriend na lang po, pagkatapos po kapag ayaw na niya, kahit na, kasi po ‘pag asawa kapag nakipaghiwalay mahirap po.

B:Kilala mo ba si Jillian Ward na talent ng GMA 7?
XM: Dati po nagkakasama kami sa mga ano po, commercials. Pero ngayon po hindi na kami nagkikita.

B: Kumusta ‘yung pagsasama n’yo noon?
XM: Masaya po. Naglalaro po kami kaya lang nosebleed ako. English-speaking (si Jillian). Hihihihi!

B: Anong ginagawa mo kapag hindi mo siya maintindihan?
XM: Yeah, yeah lang. Yeah, sasabihin ko.

B: So, kapag nag-yeah ka na tapos na ang usapan?
XM: Basta sasabihin ko lang, ‘Yeah, okey, bye.’

B: Alam mo na ba na ikaw ang gaganap bilang Ding sa remake ng “Darna Kuno” na gagawin ni Vice Ganda?
XM: Hindi po. Hindi ko rin po kilala si Darna. Hindi po kasi ako nakakapanood noon.

B: Excited ka ba na makasama sa pelikula si Vice? 
XM: Opo, kasi po nu’ng dati nagkasama kami sa 100 Days.

Na-ging guest po namin siya.  Ano po, ‘di ba po may hawak akong tubig? Kasi po iinumin po ‘yun nu’ng talent. Sabi niya po, ‘Duraan mo, tapos painom mo.’ Tapos sabi niya po, iinumin ko tapos duduraan ko raw.

Tawa lang po ako nang tawa. Joke po kasi.
Tapos po, kasi po dati nagtitinda ako ng crackers, chocolate. Sinasabi po niya  ano, ‘Hoy, utang naman, o.’ Nagtitinda po ako dati sa set.

B: Bakit  ka nagtitinda?
XM: Wala po. Gusto ko lang po. Nage-enjoy  po ako. Dati po meron pa po akong  kita na ano, stroller. ‘Pag sarado na isusulat ko po doon, ‘close’. Hihihi. Pagkatapos po ‘pag open sasabihin nila, ‘Ano, bukas na ba ‘yang tindahan mo? Pabili naman ng tsokolate.”

B: Sino ang mga bumibili sa ‘yo? 
XM: ‘Yung director po, ‘yung PA.

B:Magkano ang kita mo?
XM:  Minsan po nakaka-P600 ako.  Kasama na po puhunan.

B:Magkano puhuhan niya?
XM:Wala.

B: Suma-sideline ka pala, ha?
XM: Hindi po.  Para ano lang, party lang.

B: Malaki na ba ang kita mo sa pagtitinda? Naka-save?
XM: Mga naka-P900 na po ako. Minsan po kasi sina Direk po sasabihin, ‘Keep the change.’

B: Anong gagawin mo sa kikitain mo?
XM: Pambili ng bahay, yehey!

One Comment leave one →
  1. avy permalink
    Disyembre 22, 2011 3:43 hapon

    well, sobrang nakakabilib naman talaga ang galing ni Xyriel, matalinong bata, napaka cute, may kakaibang charisma at mabit pa. goodluck sa mga naparaming projects na matatanggap mo. congrats sa mga awards na natanggap mo na at sa mga parating pa, lalo na sa performance mo sa 100days to heaven, pang best actress talaga!!

Mag-iwan ng puna