Lumaktaw sa nilalaman

Kulong sa mag-aangkas sa bata sa motorsiklo

Nobyembre 2, 2011

Ni Leifbilly Begas
MAINIT ang huntahan ng mga motor riders hinggil sa isinusulong na panukalang batas na magbabawal sa kanila na mag-angkas ng mga bata at daraan sa national highway.

Sa ilalim ng House Bill 5345 na ipinanunukala ni Manila Rep. Ma.Theresa Bonoan-David, tatlong  taong kulong ang kaparusahan na inirekomenda  laban sa mga driver ng motorsiklo na mag-aangkas ng bata at daraan sa national highway.

Sa paliwanag ng mambabatas, lubhang mapanganib ang pag-aangkas ng bata sa motorsiklo dahil nangangailangan ito ng pagbalanse kung kayat dapat itong ipagbawal.

Bukod sa kulong, ang mga lalabag sa panukalang “Motorcycle Safety Act for Children” ay magmumulta ng P5,000 para sa unang paglabag, P8,000 sa ikalawang paglabag at P10,000 sa ikatlong paglabag.

Hindi gaya ng matatanda, sinabi ni David na kulang pa ang kakayahan ng mga bata upang maproteksyunan ang kanilang mga sarili.

Kapansin-pansin din na ang mga nakaangkas na batas ay walang suot na helmet at iba pang protective gear.(Ed: May reaksyon, komento ka ba? I-text lang sa MOTOR<name, age, address, at mensahe> sa 4467.)

2 mga puna leave one →
  1. Nobyembre 2, 2011 3:25 hapon

    ok lang umangkas basta may suot na helmet ang bata…bag sanggol yun ang di pwede. pero 5 yrs and above pwede na. halimbawa ang pamilya na may isang anak..gusto nilang pumunta ng mall at meron silang motor…sa palagay mo ba mag cocomute silang mag anak kung meron nman silang motor? ang MOTOR ang pinaka cheapest na sasakayan na kayang kayang bilhin ni juan…wag po natin isisi sa naka angkas na bata ang aksedente.

  2. vangie permalink
    Pebrero 22, 2012 1:14 hapon

    lahat ng panukala ng batas ay mganda,,, dahil para nman sa ating lahat ito….. kaso sa mhal ng mga bilihin ultimo pmasahe ay tumaas na rin…kming mga maliit na ma2yan ay syang mlaking tinamaan ng kahirapan…..kgaya ko kumuha kmi ng motor hulugan,,,, inisip nmin i2 na mka2tipid kmi ang kso dahil sa batas mdadagdagan pa pla uli ang gastos nmin dahil sa batas na i2… bkit hindi ung mga abusadong driver at mya2bang sa daan ang hindi hulihin at pgbayaran ng mlaking danyos….. at pti ung mga ngpa2tupad ng batas na lumalbag sa btas kgaya ng mga pulis na abusado…. bkit cla ndi ba pwedeng hulihin porket kabaro nyo……. pano su2nod ang mrami gayong ang ngpa2tupad ng batas ay sila ring # 1 sa hndi sumusunod…….

Mag-iwan ng puna