Skip to content

JOHN PRATS gustong balikan si BIANCA, pero pinigilan ng pamilya

August 24, 2012

Hindi naniniwala si John Prats na nagpagupit ng buhok ang kanyang ex-girlfriend na si Bianca Manalo dahil sa galit nito sa kanya o sa kanilang paghihiwalay.

Medyo maikli na nga ang hair ngayon ni Bianca at marami ang nagulat nang umapir nga siya sa harap ng camera with her new hairstyle.

At dahil nga rito, marami ang nagsabi na “pagrerebelde” raw ito ng aktres-beauty queen dahil sa naunsiyaming relasyon nila ni Pratty.

Pero ayon naman kay John, hindi naman daw siguro ‘yun dahil sa kanya, “Ang huling alam ko nung kami pa ni Bianx, plano niya talaga magpaiksi because of a hair endorsement na kailangan mahaba, tapos after a few months iiklian talaga.

Yun naman ang alam ko. Hindi ko naman inisip na ganu’n.”

May chika naman na plano raw ni John na balikan si Bianca, pero talagang pinipigil daw siya ng kanyang pamilya. Say ni Pratty wala naman daw balikang mangyayari, kasabay ng pakiusap na  huwag nang idamay ang kanyang pamilya sa issue.

Umaasa rin siya na someday ay makikita rin niya ang babaeng para sa kanya, “Sa lahat ng relasyon na pinagdaanan ko, minsan dumating ako sa sobrang failure, down na down ako kasi I had so many relationships but it didn’t work.

“So I felt bad before.

Ang iniisip ko na lang ngayon hindi ko pa nakikilala yung para sa akin, yung talagang swak kami, walang hang ups, walang stress.

Mas masaya ako na ganito.

Kung dumating, okay, pero kung hindi, okay lang din,” sabi pa ni John sa interview sa kanya ng Push.com ng ABS.

Nag-eenjoy din daw ngayon sa kanyang personal life is Pratty at napapadalas din daw ang bonding nila ng kanyang pamilya, “Nae-enjoy ko yung maliliit na bagay like spending time with my family, magpicture with friends.

Sobra ko lang saya.

Ngayon ko lang na-enjoy yung pagiging single, nagagawa ko kung anong gusto kong gawin ng wala akong ibang iisipin kundi sarili kong schedule.”

Pahabol pa ng binata, “Ngayon wala akong dinedate.

Bukod kay Camille (Prats), kay Sam (Milby) na kaibigan ko talaga at sa aso ko, siguro na-e-enjoy ko ‘yung time sa sarili ko.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: