Lumaktaw sa nilalaman

Galaw ng Numero: 8 at 7 ang mahiwaga

Disyembre 18, 2011

Dear David,
BIGYAN mo rin ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Na-stroke ako pero unti-unti nang nakakarekober.

Napuwersa na mamasukan ang misis ko at nagtatrabaho siyang clerk sa isang pribadong opisina.

Nagtitiyaga naman akong magbenta sa isang maliit na sari-sari store na naipundar ko mula sa separation pay na nakuha ko sa opisina.

Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?

Bigyan mo ako ng suwerteng kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto. Ipinanganak ako noong Oktubre 17, 1960.
FIDEL NG ILIGAN CITY

Dear Fidel,
EIGHT (8) at seven (7) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Neptune ang kumokontrol sa iyong pagkatao.

Masuwerte ka kasi’y nakarekober ka mula sa stroke! Karaniwan kasing nakakaranas ng matitinding dagok ng buhay ang tulad mong nagtataglay ng mahiwagang No. 8. Taglay mo rin kasi ang mahiwagang No.7 na may kaugnayan sa iyong marubdob na pananalig kay Lord.

Manatiling aktibo sa mga religious activities—diyan ka kasi makakatagpo ng kapayaan na magbibigay-daan upang makapagdesisyon kang maayos at tumpak

.Konsentrasyon, disiplina at malinaw na plano sa buhay ang susi sa iyong tagumpay. Kapag ipinokus mo ang iyong panahon sa pagtitinda, walang duda na magkakaroon ka ng malaking grocery stores.

Hindi naman kailangang magpagod ka, kundi  kumuha ka ng matitinong tao na  pasusuwelduhin mo.

Piliin mo ang mga isinilang sa petsang 2, 7, 11, 16, 25 at 29 partikular sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, Disyembre at Enero—sila ang magbibigay sa iyo ng suwerte!

May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2014 at 2015 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagrekober sa sakit at matatag na kabuhayan.

Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 2, 8, 11, 17, 23, at 30 partikular kapag natapat sa ataw ng Miyerkules at Linggo.

Kulay itim at berde ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No.8 at No. 7 ang No. 3. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-11-19-23-27-34-39-40-42.
ASSET tips; 3-2-6/8-3-5/3-8-7/ Wiretips; 2-5-8/ 8-2-1/ 7-2-1. Double digit: 1-5/ 4-7/ 9-2. Luzon guide: 1-11-18-23-26-34-37-40-42. VisMin:1-5-8-23-24-34-36-42. MegaLotto; 1-4-11-17-23-26-34-36-38-40-42. Grand  Lotto: 5-8-11-19-23-27-34-37-40-45-49-50-54.  Four Number: 3-6-1-2/ 8-9-2-2/ 3-2-6-7.

No comments yet

Mag-iwan ng puna