Skip to content

JANINE TUGONON nakipaghiwalay sa BF dahil sa bokalista ng THE SCRIPT

April 17, 2013

janine tugononINAMIN ni Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Marie Tugonon na break na sila ng boyfriend niyang si Jaypee Santos, at may kinalaman daw dito ang vocalist ng bandang The Script na nag-concert dito sa Pilipinas kamakailan.

Sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV kahapon, sinabi ni Janine na may pinagdaraanan sila ngayon ng kanyang BF na kasama pa rin niyang nag-guest sa Kris TV kahit na hiwalay na sila.

Tinanong kasi ni Kris si Janine habang nagluluto ito ng tinola katabi si Jaypee kung nag-aaway ba silang dalawa.

“Actually, honestly ngayon, we are not in good terms,” sagot ng beauty queen.

Na-shock si Kris sabay tanong kung ano ang nangyari.

Si Jaypee ang sumagot, “May mga hindi lang napagkakasunduan.” Sey naman ni Janine, “Siguro may nangyari lang na hindi ko ini-expect na mangyayari.”Sumunod na tanong ni Kris kay Janine kung may kinalaman ba ang lead vocalist ng The Script na si Danny O’Donoghue sa away nila dahil balita ngang nililigawan siya ng singer.”Hindi ko ‘yon type!

Parang we’re talking lang,” sagot ni Janine.

Pero  sumagot si Jaypee na ito nga raw ang isa sa mga pinag-awayan nila.

Depensa naman ni Janine, “Pero ano naman ‘yan… spur of the moment lang.

Pero honestly po kasi, break talaga kami ngayon.”

Kuwento pa ni Janine, “Nanood kami ng concert.

Kasi, di ba, sa Araneta may meet and greet?

Since kilala ko ang staff ng Araneta, sabi ko sa kanila, ‘Sobra akong fan ng The Script, puwede bang ma-meet ko?’ ‘Tapos na-meet niya ako.

Nandoon siya (Jaypee). Ipinakilala ko nga siya kasi tinanong niya (Danny), ‘Do you have a boyfriend?’ Sabi ko, ‘Yeah, that’s my boyfriend.’

“Tapos ‘yon, sabi niya, ‘Follow me on Twitter and I will follow you back.’ Tapos nag-direct message siya.

Oo, talagang (nagalit) siya kasi sabi niya, ‘Kung ayaw mo talaga sa taong ‘yan, hindi mo siya kokontakin.’”

Ayon pa sa beauty queen siya raw ang nakipaghiwalay kay Jaypee, “Kasi nga ayaw ko naman na may iba akong iniisip.

Parang sabi ko lang sa kanya, siguro I need sometime to think talaga.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: