Skip to content

CHARICE: Opo TOMBOY ako, sorry at patawad sa mga hindi makatanggap sa akin!

June 3, 2013

charice pempengcoUmaming nagkaroon na nang relasyon sa kapwa babae

‘Proud ako sa sarili ko at mahal ko ang sarili ko!’

“Opo tomboy ako!” Ito ang diretsong pag-amin ni Charice kahapon kasabay ng paghingi ng paumanhin sa kanyang ina at pamilya kung nasaktan sila sa desisyon niyang magpakatotoo.

Sa interview ng The Buzz sa international singer sinabi ni Charice na gusto niya lang maging totoo hindi lang sa kanyang sarili kundi pati na rin sa lahat ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.“Sorry mommy, Carl, eto ako. Sa lahat ng mga hindi makakaintindi sa akin, patawad po, sa mga hindi ako matatanggap, sorry po at sa lahat ng mga makakatanggap sa akin, maraming, maraming salamat.

At ngayon po, gusto ko lang sabihin sa inyo na ang gaan-gaan ng pakiramdam ko,” pahayag ni Charice na humagulgol na.

Dagdag pa ng singer, “Ngayon makakalabas na ako ng bahay na wala akong itinatago, na wala akong sinasagasaan.

At proud po ako sa sarili ko. Mahal ko ang sarili ko.” Kasabay nito, sinabi rin ni Charice na nagkaroon na rin siya ng relasyon sa kapwa babae.

Inamin din ng singer na totoong nagkaroon sila ng matinding away ng kanyang ina, “Opo nagkaaway kami ni Mommy, at kung nasaktan niya ako, alam ko na mas nasaktan ko siya bilang ina.

Pero tina-try po naming ayusin, tina-try naming intindihin ang isa’t isa. Tsaka normal lang naman po sa isang pamilya ang makaroon ng hindi pagkakaintindihan.”

Sa issue naman ng paglalayas daw niya, hindi ito dinenay ng singer, “Umalis ako sa amin, pero hindi ko po alam kung matatawag ‘yun na paglalayas.

Umalis ako hindi dahil ayaw ko na du’n kundi kailangan na. Nakatira po ako ngayon sa isang pamilya dito po sa Cabuyao, Laguna. Matagal ko na po silang kakilala, na hindi ko ine-expect na susugal sa akin.

Dito po pwede kong gawin lahat, pwede akong magbaliw-baliwan na walang manghuhusga.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: