Skip to content

WILLIE REVILLAME nagpiyansa na; pahihirapan na naman ng DSWD

June 2, 2013

willie revillameTalagang idiniin sa lumang kaso ng child abuse

Nasa gitna na naman ng laban si Willie Revillame dahil sa isyu ng batang lalaking naging kalahok niya nu’n pang panahon ng Willing-Willie na si Jan-Jan Suan.

Sa isang panahong ang akala nati’y tapos na ang kuwento dahil hindi naman kasi nagrereklamo ang mismong pamilya ng bata na in-exploit ni Willie ang kanilang anak ay meron pa palang karugtong ‘yun.

Kinarir pala ng DSWD ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor-TV host, nagtagumpay naman ang ahensiya sa gusto nilang mangyari, kaya kailangang magpiyansa ni Willie dahil sa pagsulong ng kaso sa husgado.Dalawang taon na ‘yung kuwento, maayos na maayos na ang lahat kung tutuusin, pero meron pa palang kailangang panagutan si Willie dahil sa kasong isinampa laban sa kanya ng DSWD?

Normal na normal ang buhay ni Jan-Jan, nag-aaral ito at tulad ng ibang bata ay walang-wala naman sa kanya ang isyu ng exploitation na pinalalabas ng iba, wala nang problema du’n.

Nakakalungkot lang isipin na may tinututukang kaso ngayon ang DSWD, gusto nilang mapatunayan na talagang ginamit ni Willie ang batang si Jan-Jan sa kanyang programa para tumaas ang rating, samantalang kahit saang kalye ka magpunta ngayon ay napakaraming batang nangangailangan ng suporta at pagkandili ng naturang ahensiya ng gobyerno.

Tahimik na ang kapaligiran, hindi naman nagpabaya si Willie sa panghihingi ng paumanhin sa kanyang programa kung sakali mang meron nga siyang nasagasaan-nasaktan, pero ang kasuhan pa siya at pahirapan ng ganito ay parang kalabisan na.

Meron na naman yatang aktibong grupo ngayon na kaligayahan nang kalampagin ang dapat sana’y nananahimik nang buhay ni Willie Revillame.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: