Skip to content

Mukha ni KC nalamog sa mga sampal ni JUDAY

June 1, 2013

judy ann santos and kc concepcion‘Hindi kasi ako marunong manampal ng peke!’

Hindi pala alam ni KC Concepcion nang tanggapin niya ang TV project na Huwag Ka Lang Mawawala na kontrabida siya ni Judy Ann Santos.

Ang aktres daw mismo ang nagsabi kay KC na kontrabida ang role niya na ayaw daw sana nu’ng una kasi baka hindi kayanin, “Pinilit ko talaga siyang maging kontrabida ko. Ha-hahaha!” birong kuwento ni Budaday.

“Nu’ng tinanggap niya ito, actually, hindi niya alam na kontrabida ang role niya, so ako ang nagsabi sa kanya na, ‘kontrabida kita.’“Kaya tinapat ko na, ikaw (KC) ang kontrabida rito, tapos tanong nga niya, ‘Ate kaya ko ba?’ Sagot ko agad, ‘oo naman kayang-kaya mo.’

“Sabi ko rin sa kanya, ito ‘yung tamang panahon at pinakatamang project para pumasok siya sa isang bagong karakter bilang isang kontrabida. Saka di ba, sa panahon ngayon, kailangang nire-invent mo rin ang ibibigay mong trabaho sa mga tao, so ito ‘yung perfect vehicle for KC Concepcion talaga,” paliwanag ng aktres.

Marami raw silang sampalan ni KC as serye at aminado si Juday na may isang eksenang napalakas ang bira niya, “Hindi naman kasi ako marunong sumampal ng hindi totoo,” katwiran ni Juday.

Gumanti naman daw ng sampal si KC, “Oo, pero hindi naman masyadong totoo.

Ha-hahaha!” humalakhak na kuwento ni Budaday. Dagdag niya, “Siguro naalangan kasi siya sa akin, feeling niya, ate niya sasampalin niya.

May moment lang talaga na kailangan ko siyang bigyan ng matinding sampal, kasi kailangan.

Mapapanood n’yo ‘yun at si KC ang dapat mag-explain kung ano ‘yung pain na naramdaman niya pagkatapos ko siyang sampalin.”

Bukod kay KC ay kinunan din ng pahayag si Juday tungkol sa bago niyang leading man na si Sam Milby at speechless ang lahat sa papuri ng aktres sa aktor, “May lalim umarte si Sam, mabigyan lang talaga ng magandang project.

At maganda din  talaga ang mukha ni Sam.

“Swak doon sa istorya na nahulog (loob) ka ng ganu’n-ganu’n na lang, nahulog ako sa ‘yo (Sam), tama kasi napakaganda ng mukha mo, perpekto, Adonis, pero mayroon siyang dark side.

“At feeling ko, this is the right time for Sam to show to the viewers na he can act, kaya niya, hindi lang siya nabigyan ng tamang project para ipakita ‘yung iba niyang side pagdating sa pag-arte kaya ipinaglaban namin na siya ang dapat na gumanap sa papel na ito, wala nang iba.

Pambihira ka Sam, kaya ang porsiyento ko sa suweldo mo, ha!” biro ni Juday.

May karapatan namang magbigay ng komento ang aktres pagdating sa pag-arte ng mga nakakasama niya sa trabaho dahil halos lahat ng aktor na baguhan noon ay sa kanya ipinapareha para makilala agad tulad nina Wowie De Guzman, Rico Yan, Derek Ramsay, Piolo Pascual, at pati ang asawang si Ryan Agoncillo.

Samantala, ano ang masasabi ng aktres na solong-solo na niya ang titulong Queen of Pinoy Teleserye dahil lahat ng kasabayan niya o katunggali niya nawala na sa ABS-CBN.

“Nandiyan pa rin naman sila. Bigyan natin ng chance. May mga moment ang bawa’t artista na nagkakataong may pinagdadaanan.

So kung ako rin may pinagdadaanan, sana mabigyan din ako ng chance  sa tamang panahon at gawan ng paraan ang mga bagay-bagay.

Naniniwala ako na ang isang artista kapag nagbigay ng magandang trabaho, hindi naman sila nakakalimutan ng mga tao,” magandang pahayag ni Juday.

At bilang bahagi ng pagdiriwang ng 60 taon ng Philippine TV ay mapapanood na nga ang Huwag Ka Lang Mawawala simula sa Hunyo 17 sa Primetime Bida.

Kasama rin sa cast sina John Estrada, Tirso Cruz III, Coney Reyes, Mylene Dizon, Empress, Susan Africa, Matet de Leon, Bryan Termulo at Joseph Marco, sa direksyon nina Jerry Sineneng, at Tots Sanchez-Mariscal.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: