Skip to content

SAM ipinagpalit si SHAINA sa BEAUTY QUEEN: Gusto ko na talagang magka-girlfriend!

May 28, 2013

shaina magdayaoSINADYA naming dayuhin ang Dermablend meet and greet mall show ni Sam Milby sa Cash & Carry sa South Super Highway noong Linggo nang hapon para tanungin kung ano ang relasyon nila ngayon ni 2013 Bb. Pilipinas-Universe Arielle Arida.

Nabalitaan kasi namin bossing Ervin na nagbabad sa bahay niya ang nasabing beauty queen sa bahay niya sa Pasig City noong Sabado, May 25, kasama ang common friend nila at boyfriend nito.

Naaliw kami sa reaksyon ni Sam dahil nagulat talaga ang binata at ang tagal na napatitig sa amin dahil paano raw namin nalaman iyon.  Biniro nga namin na may CCTV kaming nakakabit sa bahay niya, at nagbiro naman siya na agad daw niya itong tatanggalin.

Binanggit namin kung date ba nila iyon ng beauty queen? “Hindi naman date, hang out lang kami.

I invited them. They had an event. I haven’t seen Pia (common friend nila ni Ariella) in a long time din, I’ve known Pia a long time na.”

Tinanong namin kung doon lang niya nakilala si Ariella sa bahay niya?

“Hindi naman first time nag-meet, siyempre nandu’n ako sa Bb. Pilipinas nu’ng actual pageant, and then nag-ASAP din siya.

So this is the first time that I’ve actually been introduced sa kanya, first time na nag-hang out,” kuwento ng aktor.

At siyempre tinanong namin kung ano ang masasabi niya kay Ara dahil beauty queen ito at ano ang impression niya.

“Si Ara, maganda talaga si Ara beautiful.

A simple person. She’s very simple, she doesn’t seem to be maarte.

It’s my first time to hang out with her, I don’t know her that well; but very simple, very nice,” kuwento ng aktor.

Masusundan ba uli ang pagkikita nina Sam at Ara? “First time nag-hang out kami, nagbibigay (kami) ng malisya, e, wala namang plano wala pa.

I don’t even have her number, we’re textmates like that, no, wala, it was a random night na nag-hang out kami.

It wasn’t like kaming dalawa lang maganda, maganda talaga siya,” nangingiting sabi ni Sam.

Posibleng mauwi bas a ligawan ang pagkikita nila ni Ara?

“Kayo na naman, pre-empt talaga. Ayoko namang i-pre-empt.

“Kung sakaling mag-hang out kami at may something, saka ko na lang sasabihin sa inyo na, ‘O, there’s something, maybe something,’ pero first time naming mag-hang out.

Huwag magbibigay ng malisya na meron kami.

“First time na nag-hang out kami. Yun lang basta we enjoyed the night, we had fun,” kumunot ang noong sabi ni Sam.

At dito namin tinanong si Shaina Magdayao kung itutuloy pa niya ang plano niyang ligawan ang dalaga na crush na crush niya,

“Na-pre-empt kasi ina-announce ko na may paghanga ako sa kanya and tinanong si Pratty (John Prats) na liligawan. It was more pre-empted.

“Until now may paghanga ako sa kanya. We’re together in a movie.

It’s the first time na magkasama kami sa project.

Until now may paghanga ako sa kanya. Such a nice, respectable woman,” pahayag ng aktor.

Samantala, kaarawan ni Sam noong Mayo 23 at wala raw siyang handa dahil maghapon siyang nag-taping ng Huwag Ka Lang Mawawala at inamin din niya sa amin na isa sa wish niya ay magkaroon na ng girlfriend.

“It’s been a while, ready din naman ako for a lovelife, e, but ‘yun ang isang bagay na di puwedeng pilitin, so I’m just waiting.

Nag-birthday na ako pero bata pa rin ako, but at the same time, ako ‘yun nasa edad na gusto kong makilala yung babaeng pakakasalan ko.

“I’m 29 and my ideal age to marry is 33 to 35 and I think I want to meet the woman I want to marry and have that two years to really get to know each other,” pahayag ni Sam.

Samantala, sa nasabing meet and greet event ay binigyan ang aktor ng cake ni Harriet Gabayeron, marketing executive ng Dermablend.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: