Skip to content

GERALD: Oo, in love ako kay MAJA SALVADOR, at ipaglalaban ko siya!

May 28, 2013

maja salvadorWala na raw  pakialam sa sasabihin ng ibang tao

SA wakas, umamin na rin si Gerald Anderson na matagal na silang magdyowa ni Maja Salvador.

Sa exclusive interview ng Star Studio Magazine (June 2013 issue), inilahad ng Kapamilya aktor ang nag-uumapaw na kaligayahan niya sa kandungan ni Maja.

Nu’ng unang bahagi ng nasabing panayam, ingat na ingat si Gerald sa kanyang mga sasabihin, “Wait lang ha, I’m just trying to fix my sentence, kung paano ko sasabihin.”Sey ni Gerald, gusto lang niyang maging maingat sa kanyang mga sasabihin para hindi na madagdagan ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang present girlfriend at ex-dyowa na si Kim Chiu.

“Hindi lang ako yung involved, e. Importante din po yung mga tao sa paligid namin, ayaw namin na may masaktan or ano,” sey ng binata kasabay ng pagsasabing ito na ang tamang panahon para ibandera niya sa buong mundo ang tunay na feelings niya kay Maja.

“Oo, in love ako sa kanya… in love ako kay Maja Salvador,” nakangiting sey ni Gerald.

Inamin din ng aktor na maraming beses na silang nagkakasama ni Maja sa mga out of town trips, ‘yung mga unang bakasyon daw nila ay kasama pa ang kanilang mga kaibigan, “Nung nag-Bicol kami, parang na-ano e, andami nang lumabas…na kami na.

“At that time, we were spending time with each other, we were getting to know each other, pero ‘Bakit kailangan ninyo pa kailangang sabihin na kami na?

Wala ba kaming chance to get to know each other?’” chika pa ng aktor.

Pero tumanggi na si Gerald na magdetalye tungkol sa mga “date” nila, “I don’t wanna get into details.

Kumbaga kasi, ano pa ba ang matitira para sa amin? Ang masasabi ko lang, I like to make the person I love feel special. Kayo na po ang bahalang isipin kung anong nangyari.”

Tungkol naman sa kanilang relasyon, wala na raw siyang mahihiling pa dahil grabe raw ang pagmamahal nila ni Maja sa isa’t isa, “Alam mo yung sobrang suwabe, that it just fell into place?

Siguro nakita niya sa akin na gusto ko siya, and she could potentially be my girlfriend.”

Hirit pa nito, “Nakita mo na, naramdaman mo na, ang sarap kasama nito.

Parang iba yung feeling na nakukuha mo. Iba yung feeling kapag kasama mo siya.

Which is I think lahat, lahat tayo ganoon e, di ba? You can’t fall in love with a person kung hindi mo siya nakakasama.”

Naku, tiyak na may magre-react na naman sa mga pasabog na ito ni Gerald, at sure na sure kami na kasama na diyan ang mga fans ni Kim na hanggang ngayon ay gigil na gigil pa rin kay Maja na tinatawag pa nga nilang ahas, mang-aagaw, anaconda, kiri, malandi at kung anu-ano.

Pero ang maganda diyan, never silang pinatulan ng dyowa ni Gerald.

At ito naman ang nasabi ni Gerald sa nasabing interview tungkol sa mga nagagalit sa kanilang fans ni Kim, “Naramdaman ko na yung feelings na parang gusto ko siya (Maja).

Bakit ko pipigilan? Bakit ko hahayaang mawala pa siya sa akin because of the backlash of people?

“They can say what they want, but who are they to judge?

Tumingin muna tayo sa salamin bago tayo mag-judge ng ibang tao, di ba?” dagdag pa ng binata.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: