Skip to content

DANIEL MATSUNAGA : OMG! Wala kaming relasyon ni MS. KRIS

May 25, 2013

daniel matsunagaItinanggi ni Daniel Matsunaga ang chismis na magdyowa sila ni Kris Aquino. Merong isang follower si Daniel sa Twitter ang naglakas ng loob na tanungin ang hunk Brapanese model kung true ang nasulat  na he and Kris are now an item.

Maikli lang ang naging denial ni Daniel na napatawa sa question sa kanya, “Omg ahahaha not true🙂,” sabi niya.

Well, sooner or later ay malalaman din naman kung talagang magdyowa sina Daniel at Kris kaya wait na lang tayo.

Samantala, kung tatakbo si Kris Aquino ay tiyak na iboboto siya ni Olive Cortes, ang isa sa original 26 K Girls ng Deal or No Deal. “Oo, totoo kasi alam naman nating lahat na sobrang prangka siya.

Siguro naman by saying that ay wala na siyang itatago.

If ever tumakbo siya dito ay iboboto ko talaga siya,” Olive told us during the launch of her project DEALS4U.PH, an online discount shopping center na business niya.

From 2005 to 2009 ay naging bahagi si Olive ng 26 K girls na may hawak ng mga brief cases during the show.

She auditioned for the job when a friend from Sienna invited her.

Describing Kris as “mabait”, idiniin ni Olive na hindi suplada ang TV host-actress.

“I can attest to it na hindi talaga siya ganoon.

She’s sweet and thoughtful. She even invited me to their house kasi medyo noong time na ‘yon, naano sa akin si Baby James, medyo magaan ang loob sa akin so sabi niya I can go to their house.”

She also shared that Kris is a generous soul, “Meron siyang ibinibigay, eh, mga clothes, shoes.

Sabi niya, ‘o, kung may magkasya sa inyo (kunin n’yo na).’

For a time ay naging friend sila ni Kris, “Nagte-text kami.

She’s really nice. Siguro talagang honest lang siya, sasabihin niya kung ano ang napi-feel niya.

‘O, you have to improve this, you have to improve that.’”

When she gives advice ay hindi naman offensive ang dating kay Olive, “Offending?

Siguro kung balat sibuyas ka, oo, mao-offend ka.

Pero the way na sinasabi niya, she’s Kris Aquino kaya she knows.”

Growing up ay business-minded na si Olive, which was why we’re not surprised to learn that she’s put up DEALS4U.PH, “Even before my mom would buy boxes, wala pang ukay-ukay noon and I would sell.”

And when she was working as one of the 26 K Girls ay nagbebenta rin siya ng kung anu-ano like Abercrombie, Victoria’s Secrets.

Nami-miss na ni Olive ang showbiz now that she’s a mom to her two sons, “Gusto kong magshowbiz.

Honestly, siyempre sasabihin ko gusto ko kung hindi maaapektuhan ang role ko as mother and businesswoman,” sabi pa ni Olive who did the taping for Utoy for Tito Dolphy, appeared in John & Shirley and Parekoy and  Knorr vignette commercial.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: