Skip to content

SUNSHINE di na kailangan si CESAR, magpa-file na ng annulment

May 21, 2013

cesar montanoKung noon ay ayaw pang pag-usapan ni Sunshine Cruz ang posibleng pagpa-file niya ng annulment sa kasal nila ni Cesar Montano, ngayon ay parang nag-iba na ang hangin.

Pero nilinaw niya ang balitang naisampa na niya ito sa isang korte.

“For now wala pang annulment, everybody knows that wala pang annulment.

Hiwalay lang kami ng bahay pero sa papel kami pa rin.

But, I am thinking about it and I am praying for it.

I cannot say kung magkakaroon ng reconciliation or hindi magkakaroon pero I can honestly say right now that I am very, very happy,” ayon kay Sunshine nang mainterbyu ng Showbiz Inside Report.

Ayon naman sa isang  source, sa ilang linggong pagiging single ni Sunshine, mukhang napatunayan na niya sa kanyang sarili na hindi na niya kailangan si Cesar bilang asawa kaya siguro itutuloy na niya ang pagpa-file ng annulment.Sa interview sa aktres, inamin nitong napagod na talaga siya sa pambababae ni Buboy, “Gwapo kasi yung asawa ko, so marami talaga na kahit na alam na may asawa,” sey ng aktres kasabay ng pagsasabing umabot talaga siya sa puntong sinusugod na si Cesar sa taping  para lang pakialaman ang cellphone nito.

“Hindi mo mapigilan ang sarili mo na, ‘Sino si ganito, sino nanaman yan?’

Iyak ka na naman, aamuin ka na naman.

Tapos meron na namang iba.

So hanggang sa dumating yung 13 years nga na I got tired and I thought I wouldn’t give up kasi I really wanted to grow old with him,” aniya pa.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: