Skip to content

AI AI: Nabunutan na ako ng tinik, ayoko nang magsalita!

May 21, 2013

aiai delas alasKumusta na si Ai Ai delas Alas pagkatapos niyang maglabas ng emosyon sa The Buzz noong Linggo?

“Nabunutan ako ng tinik, friend. Okay na ako, heto maraming nagte-text, nagbibigay ng suporta, maraming haters si Jed,” sabi sa amin.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng nanood at naniniwala sa akin, salamat talaga,” dagdag pa ng Comedy Queen.

Ano naman ang feedback sa kampo ni Jed Salang? “Wala, tahimik,” mabilis na sabi ni Ms. A. “Ayoko nang mag-isip, hindi na ako magsasalita.

Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin,” dagdag pa.

Noong Linggo ng gabi naman ay um-attend pa si Ms. A kasama sina Kris Aquino at Vice Ganda sa 44th Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc., para tanggapin ang kanilang parangal bilang Phenomenal Box-Office Stars dahil sa tagumpay ng kanilang pelikulang “Sisterekas”.

Nag-report din siya sa live episode ng Pilipinas Got Talent noong Sunday.Galit at gigil naman ang nararamdaman ng panganay na anak ni Ai Ai na si Sancho at ramdam namin ay gusto niyang balikan ang lalaking umabuso at nanakit sa kanyang ina habang pinapanood niya ang panayam ni Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo ng madaling araw.

Wala kasing alam si Sancho na umabot pala sa pisikalan ang gulo ng mama niya at ng lalaking pinakasalan nito.

“Kasi kung sino ang mahal ni mama, mahal din namin at saka nakikita naming masaya si mama.

Kaya hindi ko alam lahat,” sabi ni Sancho.

Open ang communication nina Ai Ai at Sancho pagdating sa lovelife nilang dalawa kaya naman sa tuwing may ipinakikilala ang ina ay pinakikisamahan nilang magkakapatid at buong puso nilang tinatanggap sa bahay nila kaya laking gulat niya na naitago sa kanya ang pananakit ni Jed.

Kaya pala nu’ng gabing pinapanood ni Sancho ang ina ay talagang nakatiklop ang mga kamao at gigil na gigil habang tumutulo ang mga luha.

Sabi ng Comedy Concert Queen ay mabait at masunuring anak si Sancho at nangako naman itong wala siyang gagawing hindi maganda.

“Mabait ‘tong anak ko, sinabi ko na wala siyang gagawin at umoo naman, alam ko hindi siya gagawa ng hindi maganda,” pahayag sa amin ni Ai Ai.

Ayon naman kay Sancho, “Basta ako suporta kay mama, ito lang muna ang magagawa ko, lagi ko siyang sasamahan sa lahat ng lakad niya, ako lang kasi ang nandito ngayon, so lahat gagawin ko para kay mama.”

Samantala, tumingin kami sa mga social networking sites at talagang inuulan ng “haters” si Jed na nag-trending pa pagkatapos mapanood ang eksklusibong panayam niya sa The Buzz noong Linggo hanggang kahapon at halos lahat din ng mga kakilala naming nasa ibang bansa ay nagte-text at nagtawagan para iparating kay Ms. A ang kanilang suporta.

Ang ina ni Judy Ann Santos na si Mommy Carol ay nagparating  ng suporta niya kay Ai Ai at sinabi nito sa amin na lagi niyang isasama  sa kanyang mga panalangin na ipinagpasalamat naman ng TV host-comedienne.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: