Skip to content

AI AI DELAS ALAS OA na ang pagkamartir pagdating sa pag-ibig

May 21, 2013

aiaiDahil sa sobrang pagkabulag sa pagmamahal ay dumating si Ai Ai delas Alas sa puntong naging sunud-sunuran na lang siya sa pinakasalan niyang si Jed Salang.

Salamat naman at nauntog na sa katotohanan ang Comedy Concert Queen, malakas ang pagkauntog niya, kaya isinambulat na rin niya sa publiko ang tunay na naganap kung bakit naghiwalay na sila ng lalaki.

Nu’n pa namin isinusulat sa kolum na ito ang mga kuwento tungkol sa sobrang pagiging martyr ng komedyana.

Ibang klaseng magmahal si Ai Ai, hanggang kaya niya ay titiisin niya ang lahat, umaasa kasi siya na meron pang pag-asang muling mabuo ang kanyang pakikipagrelasyon.

Pero bigo siya, sa huli na lang niya nararamdaman na hindi naman pala siya ang mahal ng lalaki, kundi ang mga materyal na bagay na meron siya.

Ang isa sa mga producers ni Ai Ai sa London nu’ng minsan siyang mag-show du’n ay kaibigan namin, nakarating sa amin ang impormasyon na napaigsi ang kanyang performance dahil wala sa kanyang sarili ang komedyana, bago kasi siya sumampa sa entablado ay nagkaroon sila nang matinding away ni Jed sa dressing room.Ang dahilan, hinihingi na ng lalaki ang halagang ipangsusugal nito sa casino, samantalang ni hindi pa nga nakapagsisimulang magtrabaho ang pagkukunan nito ng puhunan.

Natural, nagkaroon sila ng argumento, pagtatalong nauwi sa pisikalan, tama bang pisikalin ng lalaki ang babaeng “nangingitlog ng ginto” para meron itong maipangsugal?

Ang isang oras halos na performance ni Ai Ai ay napaigsi, pakiramdam ng manonood ay dinaya sila, pero paano nga ba magpapatawa ang isang lumuluhang payaso kung dudukutin natin ang kanyang puso?

Ngayon na lang nasasabi ni Ai Ai ang katotohanan na hindi niya naramdaman kahit kailan na minahal siya ni Jed.

Nagpakasal pa naman sila sa Las Vegas, pero hindi pa sila nakakaabot sa unang buwang anibersaryo nila ay wasak na agad ang kanilang relasyon, nakipaghiwalay na ang komedyana sa lalaking inakala niyang kanya pero hindi naman pala.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: