Skip to content

FPJ nakikipagtagayan na raw sa langit dahil sa pagiging no.1 ni GRACE POE sa senado

May 20, 2013

fernando poeIsang matinding milagro ang pagkapanalo sa nakaraang eleksiyon

Natutukan namin ang lahat ng panayam kay Senator Grace Poe.

Sino nga ba ang mag-aakala na siya pala ang mangunguna sa lahat ng mga kumandidatong senador, sino rin ang umasa na pakakainin niya pala ng alikabok ang mga tahiran nang politiko diyan, ibang klase talagang magsalita ang bayan.

Aminado ang number one senator na hindi lang ang kanyang kapasidad ang nagluklok sa kanya sa primerang numero sa bilangan, alam niya na mas malaki ang donasyong boto ng kanyang namayapang ama, ang biro nga raw ng mga kaibigan ni Fernando Poe, Jr. ay nakikipagtagayan na ngayon sa langit ang kanyang tatay dahil sa kanyang matinding tagumpay.

Ang nakuha niyang suporta mula sa ating mga kababayan ay resulta ng isang paghihiganti ng ating mga kababayang tagahanga ng kanyang ama sa sinasabing pagkatalo ng Hari Ng Aksiyon nu’ng 2004 sa panguluhan.

Ngayon ay malinaw na malinaw na ang senaryo. Kung si Grace Poe nga na ekstensiyon lang ng pangalan ng Hari Ng Pelikulang Pilipino ay nakakuha ng ganyan katinding suporta ay paano pa mismo si FPJ nu’ng pumalaot ito sa politika?

Sino pa ngayon ang maniniwala na na-zero sa ibang probinsiya si FPJ, sino ang maniniwalang natalo ito, meron pa ba?

Ang tagumpay ni Grace Poe bilang nangungunang senador ang sagot sa lahat ng tanong.

Pagkatapos niyang manumpa ay tumuloy sila ni Ms. Susan Roces at ng kanyang buong pamilya sa puntod ng kanyang ama.

Taimtim siyang nagpasalamat sa kanyang tatay sa napakalaking milagrong ginawa nito sa kanyang tagumpay.

Pagkatapos nang siyam na taon ay gumana pa rin ang karisma ng isang Fernando Poe, Jr., hindi pa rin nito iniiwan ang kanyang mga mahal sa buhay, sabi nga ni Senator Grace ay palagi lang nandiyan ang kanyang ama na tumitingin, sumusubaybay at nangangalaga pa rin sa kanilang lahat.

Maligayang bati kay Senador Grace Poe!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: