Skip to content

BELLA FLORES patay na, mga kaibigan sa showbiz nagluksa

May 20, 2013

bella floresIlang buwang nakipaglaban sa diabetes at Alzheimer’s disease

MATAPOS ang ilang buwang paghihirap dahil sa sakit na diabetes at Alzheimer’s disease, namaalam na ang veteran actress na si Bella Flores kahapon ng madaling araw.

Siya ay 84 years old.

Remedios Dancel ang tunay na pangalan ni Bella na isinilang noong Feb. 27, 1929, sa Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa anak ng kontrabida icon sa local showbiz na si Ruby Arcilla, eksaktong 1:27 a.m. binawian ng buhay ang kanyang ina matapos niya itong isugod sa Queon City General Hospital.

Nahirapan daw kasing huminga ang beteranang aktres, ngunit hindi na nga ito na-revive ng mga doktor.

Matagal nang may diabetes si Ms. Bella at nagkaroon na nga ito ng mga kumplikasyon matapos siyang sumailalim noon sa hip surgery.Bukod nga rito, nagkaroon din siya ng Alzheimer’s disease at naging bed-ridden ng ilang buwan.

Ayon sa anak ng veteran actress dadalhin ang labi ng kanyang ina sa Loyola Funeral Chapel sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Isa si Bella Flore sa itinuturing na pinakaepektibong kontrabida sa telebisyon at pelikula.

Fourteen years old lang siya nang magsimula ang kanyang showbiz career at nakagawa ng napakaraming proyekto kung saan gumaganap siyang kontrabida.

Ang unang pelikulang ginawa niya ay ang “Balaraw” noong 1950.

Tumagal din ng halos 62 years ang kanyang showbiz career.

Napanood namin ang huling pelikulang ginawa ni Bella Flores, ito ang “My Kontrabida Girl”, ang 2012 movie ng GMA Films na tribute sa mga kagaya niyang kontrabida sa pelikula at telebisyon na pinabidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: