Skip to content

AI AI: Hinahagis niya ako sa kama, may sampalan, ‘yung huli kinaladkad pa niya ako sa sahig!

May 20, 2013

aiai delas alasSumabog na ang matinding galit, umaming sinasaktan ni Jed Salang

Pinatulan lang daw ni Jed para huthutan at saka babalikan ang dating kinakasama

Pinipilit din daw siyang magpunta sa casino para magsugal

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa pasabog ng damdamin ni Ai Ai delas Alas sa The Buzz kahapon.

Kasama ni Ai Ai ang anak na si Sancho at mga kaibigan kaya’t nagkatinginan na kami ng aming mga kasamahan dahil walang alam ang panganay na anak ng Comedy Concert Queen sa sinapit ng ina sa kamay ng less than a month husband niyang si Jed Salang.

Lumapit at bumeso pa si Sancho at ang ganda pa ng mood na nakipagkuwentuhan sa amin at nabanggit nga niyang handa na siyang magtrabaho sa isang hotel bilang chef.

Kaunting trivia lang kasi nakita namin si Sancho dose anyos palang siya noon at siya ang nakakita at nakaranas sa lahat ng hirap ng nanay niya noong nagsisimula pa lang.Anyway, sa tanong ni Boy Abunda kung ano ang nagtulak kay Ai Ai para hiwalayan na nang tuluyan si Jed noong Mayo 2, isang araw bago ang monthsary nila bilang mag-asawa, “Hindi ko alam kung paano ko sisimulan kasi ang buhay ko parang panaginip  na masama tapos nagising ako, at totoong buhay na pala ‘yung nangyayari sa akin,” umiiyak nang sabi ni Ai Ai.

“Actually, Ama (tawag ni Ai Ai kay Boy), may mga masasayang moments din naman kami, pero the rest ng pagsasama namin one year and three months, itinago ko lahat ‘yun, lahat ng pangit, kasi, gusto kong mabuhay ng parang fairy tale, ‘yung sa Instagram, parang masaya kami kasi ‘yun ang gusto kong mangyari, ‘yun ang gusto kong isipin, ‘yun ‘yung gusto kong mangyari sa aming dalawa.

“Pero nag-decide ako nu’ng May 2, actually second na ‘yung pag-aaway namin na hindi maganda.

Nag-decide ako kasi parang hindi ko na kinaya ‘yung lahat,” gumagaralgal ang boses na kuwento ni Ai Ai.

Tanong uli ni Boy, ano raw ang ibig sabihin niya ng fairy tale?

“Yun lang naman lang ang gusto ko, magkaroon ng kasama sa buhay, kasi malalaki na ‘yung mga bata (dalawang anak na sina Nikky at Sofia ay nasa Amerika, si Sancho lang ang nandito sa Pilipinas), ‘yung may kausap, may nagmamahal, ‘yun lang naman ang gusto ko, nahihiya akong aminin na hindi talaga naging ganu’n ang nangyari sa amin.”

Boy: Anong mga nangyayari na hindi maganda na itinatago mo dahil nahihiya ka? And you want to project to the public na masaya ka and you were living like a fairy tale?
“Pinoproteksyunan ko si Jed, ayaw kong makita ng mga anak ko na sinasaktan ako, ang sakit kasi kapag alam nilang nasasaktan ako,” umiiyak na pagtatapat ni Ai Ai.

Nilingon namin si Sancho sa bandang likod at nakita naming tumiklop na ang kanyang mga kamay at titig na titig sa ina at inaalalayan siya ng kanyang girlfriend.

Boy:  Aileen (tawag ni Boy kay Ai Ai), May 19, ngayong araw, you are in pain, why are you in pain?  Bakit sobra kang nasasaktan?”
“Kasi, Ama may isa siyang (Jed) friend dati na, siguro mga three or four months palang kami, siguro naawa siya sa akin or whatever, nakunsensiya, sinabi niya sa akin na, may balak si Jed na lokohin ako and later on pag nagawa na niya ‘yun, mayroon siyang kakasamahing iba,” pagtatapat ni Ai Ai.

Boy:  Itong kaibigang sinasabi mo ay mapagkakatiwalaan?  Bakit mo siya pinagkakatiwalaan?  Bakit ka naniniwala sa sinabi ng taong ito?
“Alam ko dahil from the start, ramdam ko naman ‘yun, kaya lang natatakot ako, natatakot ako sa totoo. Natatakot ako dahil alam kong nalaman ko ang totoo, sobrang sakit,” putul-putol na pahayag ni Ai Ai.

Boy:  Pakiulit lang, ang sinabi ng kaibigang ito ay…?
“Na papatulan lang ako ni Jed and later on, ayaw ko sabihin ‘yung term.

Tapos pag nagawa na niya ‘yung bagay na ‘yun, iiwan na niya ako at may kakasamahin na siyang iba,” ulit ni Ai Ai.

At base sa nalaman namin off-camera ay planong kuwartahan ni Jed si Ai Ai at pag nagawa na niya iyon ay iiwanan na lang niya basta ang komedyana at babalikan ang ina ng bunsong anak nito.

Boy:  Base sa sinabi ng kaibigang ito na ang kakasamahin niya ay iba, sino?
“‘Yung ex niya,” mahinang sagot ni Ai Ai.

Boy:  ‘Yung ex-girlfriend ni Jed. Noong araw na  nalaman mo ang balitang ito, ngayon araw?
“Ngayon ko na-confirm.” Pag-amin muli ng Ai Ai.

Boy:  Aileen, sabi mo from the very beginning, alam mo na?  Bakit hindi ka kumalas?
“(Humagulgol ulit) Kasi, mahal ko si Jed, mahal ko ‘yun.

Akala ko kasi siya na, eh. Alam mo naman na dream kong magkaroon ng asawa, akala ko kasi siya ‘yun.

Siyempre tao lang naman ako, nagkakamali, hindi ko naman alam na magiging ganu’n ang buhay ko.

Sorry talaga!  Sorry, hindi ko sinasadya!” impit ang boses na katwiran ng TV host-comedienne.

Boy:  Aileen, kanino ka nagso-sorry?
“Sarili ko, sa mga anak ko, kasi niloko, eh.

Pinapaniwala ko na masaya ako, pero hindi. Hindi naman ako sinungaling Ama.

Alam mo naman ‘yun. Ngayon ako nagsinungaling sa buhay ko,” umiiyak pang paliwanag ni Ai Ai.

Boy:  Sabi mo nu’ng May 2, nagdesisyon kang humiwalay dahil hindi mo na kaya.  Ano ‘yung mga hindi mo na kinaya?
“Kasi tuwing nag-aaway kami, physical fight,” ani Ai Ai

Boy:  Lumalaban ka?
“Oo ama, siyempre. Alam mo naman ako, matapang ako, Batanguena ako, eh.

Pero siyempre, malaki naman ‘yung kalaban ko, di ba?

And ‘yung May 2, ang pinag-awayan talaga namin, kasi gusto niyang mag-monthsary kami sa casino.

Ayoko ng mag-casino siya kasi hindi naman healthy para sa kanya at hindi rin maganda para sa akin na nakikita ako sa casino.”
Boy:  Nagsusugal ka?
“Pag kasama siya,” pagtatapat ni Ai Ai.

Boy:  Nagsusugal si Jed?
“Sobra, sabi ko sa kanya, doon na lang kami sa bahay (monthsary) or any hotel, huwag lang doon kasi may casino.

Pero nagalit siya, nagalit siya as in napunta na naman kami sa physical fight.”

Boy:  Aileen, when you say physical fight, nakakasuntok ka, nasusuntok mo si Jed.  Ikaw naman, what kind of a fight?
“Hinahagis ako sa kama, sampalan, bunuan, e, nu’ng araw na ‘yun, feeling ko nu’ng araw na ‘yun (May 2), ‘yung time na hinila niya ako sa sahig, doon ko na-realize na hindi ko na ito kaya.

“Kabibigay ko palang ng dream car niya (2013 Chevy Camaro), kabibigay ko palang nu’ng (April) 26, hindi ito material, pero ibinigay ko sa ‘yo ‘yung makakapagpaligaya sa ‘yo, binigyan ko siya ng kotse, tapos nu’ng araw na ‘yun, kinaladkad niya ako sa sahig, pakiramdam ko, ano pa ba ang magagawa ko?

Natakot ako na naibigay ko na lahat ng pagmamahal, lahat ng gusto mo,” detalyadong kuwento pa ni Ms. A.

Boy:  Did you provoke him kung bakit ka kinaladkad, bakit ka sinaktan? Kasi kung pakikinggan ko ang narrative mo, binigyan ng kotse, tapos sinaktan ka niya.  What happened?
“Kasi ama kaya nagkakasakitan, kapag inaambaan ako ni Jef, nanliliit ako.

Parang masyadong nawawala ang pagkababae ko kaya lumalaban ako, nagagalit ako sa kanya kaya iyon ang umpisa ng physical fight naming,” paliwanag ni Ai Ai.

Boy:  ‘Yung inaambaan ka niya, saan nanggagaling iyon? I mean, anong pinag-uusapan ninyo at bakit bigla kang inaabaan?
“Pinagbibintangan ko raw siya na magsusugal siya.

Boy:  Ahh, doon sa gusto niyang mag-monthsary?
“Oo Ama, feeling ko naman, ano naman ang gagawin namin ng three days sa isang hotel casino?

Doon nagsimula ‘yung gigil niya sa akin.”sagot pa ng komedyana.

Boy:  Okay, iyon ‘yung araw na kinaladkad ka.  Paano natapos ‘yun, tumakbo ka ba, palabas?
“Lumabas ako (kuwarto), nagtago ako sa kuwarto ni Sofia, pero kinuha ko muna ‘yung rosary ko para huwag na lang ako makalaban, huwag kaming magsakitan.

And may sinabi siya na hindi maganda.

‘Wag na lang natin banggitin kasi this is about my faith (in God),” kuwento pa nito.

Boy:  May sinabi siya tungkol sa iyong paniniwala, nasaktan ka?
“Oo, kasi iyon na nga lang ang nakakapagbigay sa akin ng lakas (sabay iyak), doon ako kumapit.

Nagtago ako sa kuwarto ni Sofia.

Tapos nu’ng lumabas ako, wala siya (Jed) umalis, kaya umalis din ako at nagtago na ako.” Kuwento.

Boy:  Saan ka nagpunta Aileen?
“Sa Tagaytay.”

Boy:  Hindi ka ba natakot na it was just one of those quarrels na kapag nagkita kayo na mababago ang lahat?  Bakit ka sigurado na?
“Kasi parang naramdaman ko na ito ba ang lalaking mamahalin ko na ginaganito ako?

Parang ‘yung self-worth ko, natauhan ako na hindi mo naman siguro talaga ako mahal dahil sa mga ginagawa mo sa akin,” katwiran ni Ai Ai.

Boy:  Doon mo na-confirm?  Hindi ba naglaro sa isipan mo kung anong sasabihin ng publiko, ng mga anak mo, sasabihin mo sa sarili mo after all of these na you wanted a fairy tale?
“At least hindi ko na niloloko sarili ko, hindi na.

Kinausap ko naman si Sancho (hiwalay na at hindi alam ang pananakit) na, ‘Laban ito ni mama, anything na maramdaman mo ang sakit, magdadasal ka lang, hindi ka lalaban,” patuloy pa rin ang pag-iyak ng komedyana.

Boy:  Aileen, alam mong gulo ito, nagbubukas ka ng gulo sa mga sandaling ito, binasag mo na ang iyong katahimikan, naisusulat na, naba-blind item na kayo na diumano’y kayo’y nagkakasakitan.  Ang tanong ko, Aileen, confirmed na ang iyong asawang si Jed Salang ay hiwalay na.
“Oo ama, nu’ng May 2,” aniya.

Boy:  Mula May 2 hanggang ngayon, May 19 hindi pa kayo nagkakausap?”
“Ah, sinurprise visit niya ako noong nasa Salon de Manila ako, bigla siyang dumating, kinulong niya ako sa banyo, humingi ako ng tulong sa mga friends ko kasi may trauma nga ako sa kanya, ring ng phone, pangalan niya, hindi ko kayang tingnan, hindi ko kaya.”

At off camera ay naikuwento sa amin ni Ai Ai na hanggang ngayon ay may trauma siya at nanginginig kapag naririnig ang pangalan ni Jed at naging paranoid na rin siya.

“Iniisip ko kasi baka nakapasok ng bahay, kung anong gawin sa amin, sa akin,” kuwento ni Ai Ai.

Boy:  Bakit ka may trauma?
“Siguro nandoon ‘yung takot, galit sabay-sabay.

Kasi may mga point na kapag hindi na nakuha ni Jed ‘yung gusto niya, sinasaktan din niya sarili niya, ayokong nakikita ‘yun sa harapan ko.  Hindi ko kaya.”

Boy:  Habang nag-uusap tayo, mahal mo pa ba si Jed?
“Opo ama, mahal ko siya, pero from May 2, sa lahat ng nalaman ko, napalitan ‘yung pakiramdam ko ng galit at pagtataka kung bakit nakayanan niyang gawin lahat sa akin ito.”

Boy:  Aileen, ano ang bagay na ayaw mong sabihin, ito ‘yung dahilan ng gulo?  May kinalaman ito sa third party?
“Oo.  Siguro naman Ama, walang may gusto na habang nagsasama kayo ay may sakitan, wala ng respeto sa isa’t isa.

‘Yung pagkatao niya, ngayon ko lang nakilala.

Akala ko kilala ko na, eh. Hindi pa pala.  Akala ko ‘yung isang taon at three months, kilala ko na siya, hindi pa pala,” pag-amin ni Ai Ai.

Boy:  Diretsong tanong, minahal ka ba ni Jed?
“Sa lahat ng sinapit ko, tingin ko hindi! Maski kailan hindi!” napamura pang sabi ni Ai Ai.

Samantala, kasalukuyang inaayos na raw ng abogado ng Comedy Queen ang diborsyo nila ni Jed sa ibang bansa at iba pang legalities. (Editor’s note: Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Jed Salang, sa ngalan na rin ng balanseng pamamahayag.)

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: