Skip to content

AI AI: Oo, hiwalay na kami ni JED! hindi na talaga ako natuto!

May 19, 2013

aiaiBinigyan ng PSG nina PNoy at Kris, kailangan daw mag-ingat

Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon na hiwalay na sina Ai Ai delas Alas at Jed Salang ilang linggo pagkatapos nilang magpakasal.

Sa nakaraang “I-Vice Ganda Mo Ako” concert ay ang Comedy Concert Queen ang finale guest at bilib ang lahat sa pagiging propesyonal ng komedyana dahil nagawa pa rin niyang patawanin ang lahat nang nanood.

Isa rin si Ai Ai sa inookray ni Vice pero sinagot ang huli ng, “may pinagdadaanan ako, ha, mabuti nga nandito ako, eh,” birong sabi ng komedyana.

Sinadya naming abangan si Ai Ai sa backstage pagkatapos ng production number niya at nagbakasakaling makausap siya tungkol sa gusot nilang mag-asawa.

At nagpapasalamat kami kay Ms. A dahil dalawa lang kaming entertainment press ang isinama niya sa loob ng dressing room gayung halos lahat ng TV camerang nakaabang sa kanya ay iniwasan niya at hiningan na lang siya ng pagbati kay Vice sa napaka-successful nitong concert.Inamin sa amin ni Ai Ai na hiwalay na sila ng kanyang asawa na pinakasalan niya sa Las Vegas noong April 3, 2013.

“Oo, noong May 2 pa, bale seventeen days na ngayon (Mayo 18),” pag-amin sa amin.

Nakiusap ang komedyana sa amin na ikukuwento niya ang lahat pero hindi pa namin puwedeng isulat dahil may one-on-one interview siya sa The Buzz ngayong hapon at gusto niyang sa bibig niya mismo manggaling ang lahat ng detalye kung bakit sila nagkasira ni Jed.

Nangako kami kaya’t nagkuwento siyang pahinto-hinto dahil umiiyak siya at halos hindi na makahinga sa sobrang sama ng loob.

Ang tanong nga niya sa amin, “Friend, saan ba ako nagkamali?”

Halos maiyak din kami sa sinabi niya, “Akala  ko kasi ‘ito ang tama para mag-work out ang relasyon, alam ko rin naman na sobra-sobra na, e, kasi nga pangarap ko kasing ikasal.

Ewan ko, hindi na ako natuto, lagi na lang.”

Samantala, sobra-sobrang pasalamat ni Ai Ai sa kaibigang si Kris dahil isa raw sa unang kinuwentuhan niya ng pangyayari at kaagad siyang dinamayan bukod sa manager and confidante niyang si Boy Abunda.

“Nagpapasalamat ako kay Kris at kay Presidente (Noynoy Aquino), kasi pinadalhan nila ako ng PSG para makasama ko sa mga lakad ko, lang ako.

Pati na rin sa anak kong naririto sa Pilipinas, si Sancho, pasasamahan ko rin sa PSG,” sabi pa ni Ai Ai.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: