Skip to content

Kawawang AGA luhaang babalik ng Maynila

May 18, 2013

aga muhlachSa lahat ng mga pamosong personalidad na tumakbo sa halalan 2013 ay pinakanakapanghihinayang ang nangyari kay Aga Muhlach na kumandidato bilang kongresista sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.

Sa simula pa lang ay kinalampag na ng kanyang mga kalaban ang pagiging residente niya ng distrito, umabot pa ang reklamo sa husgado, pero pinayagan ng COMELEC na makilahok sa halalan si Aga.

Pagkatapos naman ng eleksiyon ay naging matensiyon sa kanyang distrito dahil mula sa unang araw ng bilangan ay nananalo siya sa kanyang mga katunggali, malayo ang agwat ni Aga sa politikong matagal nang naghahari-harian sa naturang lugar, umaasa na nu’n ang kampo ng aktor na siya ang ipoproklamang congressman ng kanilang distrito.

Pero biglang nagkaaberya nu’ng mga sumunod na araw, ang malaking kalamangan ni Aga sa kanyang kalaban ay biglang lumiit na, du’n na kinabahan ang partido ng guwapong aktor.Sabi ng isang nakausap namin tungkol sa isyu, “Natural lang na hindi siya pababayaang makaupo ng kalaban niya, napakatagal nang politiko sa CamSur ang binangga niya, hindi niya madaling makukuha ang position.

“Bagito lang si Aga, sa politics na lumaki ang kalaban niya, mahihirapan siyang makopo ang posisyon.

Isa ‘yan sa mga dapat malaman ng mga baguhang pumapasok sa politics, mahirap kalaban ang mga tahiran na sa labanan,” sabi nito.

Pero sa puso ng kanyang mga kadistrito ay si Aga Muhlach pa rin ang nagwagi, hindi pa rin puwedeng isipin ng iba na nabalewala lang ang mga pagsasakripisyo ni Aga, dahil sa puso ng kanyang mga nasasakupan ay siya ang legal na halal na kongresista ng kanilang distrito.

Bigong babalik sa Maynila si Aga Muhlach, pero baon niya naman ang respeto at malaking tiwala sa kanya ng mga taga-CamSur, para sa isang bagitong politiko ay binyag ng apoy ang naganap sa kandidatura ng sikat na aktor.

May susunod pa namang pagkakataon, malayo pa ang biyaheng nakaabang sa pangarap ni Aga Muhlach na makapagserbisyo sa kanyang mga kababayan, hindi pa katapusan ng mundo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: