Skip to content

BONG sa mga nangharas sa kanyang pamilya: Bakit ganu’n sila kagalit sa akin? Ano bang kasalanan ko?

May 18, 2013

bong revilla“Bakit ganu’n sila kagalit sa akin? Anong kasalanan ko sa kanila?”

Ito ang tanong ni Sen. Bong Revilla patungkol sa mga taong nasa likod ng panghaharas sa kanyang pamilya ng mga kapulisan noong nakaraang eleksiyon.

Nanindigan ang senador at bida sa epic seryeng Indio ng GMA 7 na hinding-hindi niya palalagpasin ang nasabing insidente na aniya’y naging sanhi ng pagkabagabag ng pamilya Revilla. Dadalhin daw ni Bong sa Senado ang naganap na pagsugod ng PNP sa kanilang bahay sa Cavite.

Ayon pa sa senador wala pa rin  siyang maisip na matinding dahilan para harasin sila ng kapulisan, “Is it because of politics?

Dahil natalo yung manok nila?

Dahil hindi umubra kung ano yung gusto nila mangyari na pangha-harrass sa amin?

Hindi kami natakot? Hindi kami lalaban?

“Ang point ko lang dito e sa tama lang tayo. Wag sa mali. Dahil yung panahon na yun, wala na kaming matakbuhan, e.

Wala na kaming matakbuhan kundi NBI,” ayon kay Bong sa interview ng ilang miyembro ng press kamakailan sa set ng Indio sa Marilao, Bulacan.

Dagdag pa ng leading man ni Jennylyn Mercado sa Indio, “Of course we will file a case against them.

Paiimbestigahan ko sa Senado and then tingnan natin from there.

Gusto ko malaman kung sino talaga ang…antayin muna natin yung imbestigasyon.

“Ang sabi ko nga, imposibleng hindi nila alam sa itaas (PNP at DILG),” sey pa ng senador.

Malamang daw na masangkot din ang pangalan ni DILG Sec. Mar Roxas sa nasabing issue.

Habang sinusulat namin ang ulat na ito ay wala pang sagot si Sec. Mar tungkol dito.

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Indio na napapanood sa GMA TeleBabad after 24 Oras, mas marami pa raw kayong dapat abangan sa pagpapatuloy ng kuwento ni Indio.

Mas matitinding aksiyon at madadramang eksena ang inyong mapapanood.

Kaya huwag na huwag kayong bibitiw.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: