Skip to content

AI AI, JED SALANG nag-away, hiwalay na

May 18, 2013

ai ai delas alasIlang linggo lang pagkatapos magpakasal sa Las Vegas, USA

‘Ibigay n’yo muna ang pananahimik ko sa bagay na ito!’

NAKATANGGAP kami ng text message kahapon habang nagtitipa kami ng aming kolum at tinatanong kami kung totoong hiwalay na sina Ai Ai delas Alas at asawa nitong si Jed Salang na kakakasal lang sa Las Vegas, Nevada noong Abril 3.

Tinawagan namin ang nag-text, “Balita po kasi hiwalay na, nagkaroon daw ng matinding away,” sabi sa amin.

Sinubukan naming tawagan si Ms. A pero mukhang nagpalit na siya ng cellphone number. Tinext namin ang manager niyang si Boy Abunda pero hindi pa kami binalikan ng sagot at maging ang partner niya sa negosyo na si Lito Alejandria ay hindi rin kami sinasagot.

Tiningnan namin ang Instagram ng Comedy Queen at nabasa namin doon ang, “Exodus 14:14, The Lord will fight for you and you only have to be silent…sa lahat po ng mga nagmamahal saken. Ibigay n’yo muna ang pananahimik ko sa bagay na ito, ako na mismo ang magsasabi pag ready na ako emotionally.

Salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal n’yo sa akin, God Bless everyone!”

At napansin namin na halos lahat ng pictures nina Ai Ai at Jed na magkasama sa Instagram ay biglang nawala.

Samantala, bago pumutok ang balitang hiwalay na sina Jed at Ai Ai ay nakita pang dumalo ang komedyana sa nakaraang birthday salubong ng ABS-CBN TV executive na si Cory Vidanes noong Miyerkules ng gabi.

At noong Huwebes ay nakita namang nakipag-bonding si Ms. A sa mga kaibigan niyang sina Erik Santos at direk GB Sampedro, sabi pa niya sa kanyang Instagram, “Miss ko na friends ko.”

Anyway, hintayin na lang natin ang tamang panahon kung kailan magsasalita ang TV host-comedienne tungkol sa paghihiwalay nila ni Jed, igalang muna natin ang pananahimik niya.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: