Skip to content

ZANJOE gusto nang buntisin si BEA pero kulang pa ang naiipong pera

May 17, 2013

zanjoe marudoSunud-sunod ang suwerte ngayon ni Zanjoe Marudo dahil kasalukuyang kumikita ang pelikula niyang “Bromance” na kumita na ng P7 million sa unang araw pa lang ng pagpapalabas nito at heto at may bagong drama series na naman siya, ito ngang AnnaLiza.

Challenging ang papel ni Zanjoe bilang tatay ng batang ipinaampon at first time niya itong gagawin sa TV kaya naman natanong siya kung hindi ba siya naiilang gampanan ito.

“Nagpapasalamat nga ako sa ABS-CBN kasi ang gaganda ng projects na ibinibigay sa akin.

Kung sa pressure dahil sa papel ko bilang tatay ay hindi naman nawawala ‘yun, kailangan kong labanan at saka ayokong masayang ang ibinibigay sa aking role, lalo na ito challenging at gusto ko itong trabahong ito,” say ng actor.

At dahil father role na ang ginagampanan ni Zanjoe ay natanong siya kung gusto na niyang magkaroon ng anak, “Siguro puwede, pero hindi pa ako ready financially, emotionally, oo. At saka siyempre kapag ganitong edad na, kahit paano, gusto mo rin may bata na.

“Pero siyempre, hindi naman puwedeng basta na lang gawin ang mga ganu’ng bagay, marami pang hindi puwede.

Kailangang kasal muna at stable sa buhay para maitatawid ang pamilya,” paliwanag ng actor.

As of now ay wala pa raw siyang planong mag-propose kay Bea dahil kailangang handa na siya at may pambili na ng singsing.

“Trabaho muna talaga ako, si Bea rin kasi bata pa naman kami, so ipon muna,” sabi ni Zanjoe.

Nag-isang taon na sila noong Marso, 2013 at wala raw silang regalong material sa isa’t isa dahil, “Hindi uso sa amin ‘yun, ang usong regalo is ‘yung sinong sasagot ng pamasahe kapag nagta-travel.

‘Yun ang hilig namin, mag-travel.”

At ngayong 2013 ay wala silang naka-schedule na biyahe sa ibang bansa dahil pareho silang busy at bihira rin silang magkita at mabuti na lang na hindi sila demanding sa isa’t isa.

Samantala, inamin din ni Zanjoe na isa rin sa mga gusto niyang project ay ang remake ng “Machete” at “Scorpio Nights” dahil nga nagpakita na rin naman siya ng butt sa “Bromance” kaya feeling niya ay kaya na niya kahit na anong role na kailangang maghubad.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: