Skip to content

Pakiusap ng mga nagmamahal kay CHARICE: Ipagdasal na lang natin siya! Huwag nang laitin!

May 17, 2013

charice pempengcoSuportado nina Arnel  at Sarah  ang bagong pagkatao

IN fairness, hindi naman lahat ay nanlalait at nambabalahura sa international singer na si Charice nang dahil lamang sa kanyang pagiging tomboy.

Lalaking-lalaki na kasi ang itsura ngayon ni Charice kaya hindi mo masisisi ang karamihan na maniwalang isa nga siyang tiboli.

Pagkatapos siyang ipagtanggol ng kapwa international singer na si Arnel Pineda ng The Journey ay si Sarah Geronimo naman ang nagsalita para suportahan si Charice sa gitna nga ng kinasasangkutan nitong mga kontrobersiya.

“We have to respect her, hindi dahil si Charice Pempengco siya kundi dahil tao siya.

Bawat isa sa atin sana may respetuhan, tama na, pabayaan na natin si Charice,” pagtatanggol nga ng Pop Princess sa singer.

Ayon sa mga naglalabasang report, nakipagtanan na nga raw si Charice sa dating female finalist ng X Factor Philippines, pero kinontra ito ng kanyang inang si Mommy Raquel na nagsabing huwag daw munang husgahan ang kanyang anak.Sa isang interview sinabi pa nitong, “Ang sinasabi ng puso ko at isip ko bilang ina ay hayaan ko siyang ilantad kung ano ang tunay na katauhan niya.

Kung ano ang gusto niya, dahil doon siya magiging maligaya.”

Para naman kay Sarah na malaki pa rin ang respeto at paghanga kay Charice, “Alam mo ang magagawa lang naman natin para sa kanya is to pray for her.

Wala naman tayo sa posisyon para masabi kung ano ang tama o mali para sa kanya.

Basta tayo magdasal tayo kung ano yung the best para sa personal na buhay niya at singing career niya.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Charice tungkol sa samu’t saring intriga tungkol sa kanya.

Sana nga’y makakuha na siya ng sapat na tapang para lumantad na sa publiko at idepensa ang kanyang sarili sa matitinding banat sa kanya ng kanyang mga bashers.

Inamin naman ng Pop Princess sa interview ng ABS-CBN na naiintindihan niya si Charice dahil kahit siya ay dumaraan din sa ganitong “awkward stage”, “Yes, awkward stage ko ito ngayon.

Ngayon ko pa lang pina-find myself.

Ngayon ko lang iniisip kung anong gusto ko para sa buhay ko.

Ito yung quarter life crisis, yung may marami kang tanong.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: