Skip to content

HEART, CHIZ nagpipiyesta sa nakamit na tagumpay; magpapakasal na raw?

May 17, 2013

chiz heartHabang inis na inis ang  mga pakialamerang magulang

SIYEMPRE, nagpipiyesta na ngayon ang magdyowang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero dahil nabigo nga ang kanilang mga detractors na sirain ang kanilang relasyon, parang nakikini-kinita na namin ang pagkaimbiyerna ng mga magulang ng Kapuso actress.

Sa huling resulta kasi ng bilangan matapos ang isinagawang halalan noong Lunes, pangatlo pa rin sa listahan si Sen. Chiz, kaya naman abot-langit ang kaligayahan ngayon ng mga taong sumusuporta sa senador.

Puwede na nga ngayong sabihin na hindi nakaapekto ang mga masasamang sinabi ng parents ni Heart sa kandidatura ni Chiz.

Two days before the election kasi na ginanap last Monday ay may pahabol na atake pa ang mga magulang nang karelasyon ng senador.

Kuning-kuning na naghahamon sila ng lie detector test sa isyu nang pagli-live in daw nina Sen. Chiz at Heart.Pero walang pumatol sa bagong kaechosan ni Mrs. Ongpauco.

In fact, mas dumami pa ang nainis at na-turn off sa mga magulang ni Heart.

Aba naman, kaladkarin mo ba talaga ang anak mo at ibandera sa buong mundo na nakikipag-live in ito sa kanyang boyfriend?

Nakakaloka, di ba?

Hindi maganda para sa mas nakararami ang pagli-live in, pero kung totoo man ang sinasabi ng ina ni Heart, wala kaming nakikitang problema rito, nasa edad na naman ang aktres at si Sen. Chiz, ‘di ba?

Pero, ilang beses na rin namang idinenay ng senador ang balitang ito.

Para sa amin, may karapatang masaktan si Heart sa mga pinaggagagawa ng kanyang magulang, sa halip nga naman na suportahan siya sa mga bagay na gusto niyang gawin, e, pinalalabas pa siyang isang  masamang anak.

Hindi ba dapat, ang mga magulang mo pa nga ang karamay mo sa mga ganitong pagsubok?

Buwan na ang lumipas simula nang magsalita ang mga magulang ng aktres tungkol sa disgusto nila sa senador na ginawa sa pamamagitan ng isang presscon.

Mas marami tuloy ngayon ang naniniwala na baka totoo ang mga chika na may maimpluwensiyang politiko na nakalaban ni Sen. Chiz sa nakaraang eleksiyon ang nasa likod ng mga magulang ni Heart at may koneksiyon sa media na nagpapadala ng mga press releases para siraan ang magdyowa?

Naisip kasi namin, kung wala silang padrino, hindi naman siguro sila magkakaroon ng lakas ng loob para kalabanin si Chiz sa isyu ng pakikipagrelasyon sa anak nila.

Teka, sabi nga pala nila idedemanda nila si Chiz, ano na kayang nangyari sa banta nila?

Nasagot nang lahat nina Chiz at Heart ang mga akusasyon sa kanila ng mag-asawang Ongpauco.

Ilang beses na actually. Kaya ayaw na raw magsalita ng kampo ni Chiz tungkol sa pakikialam ng mga magulang ni Heart sa kanilang pagmamahalan.

Teka lang, totoo naman kaya ang kumakalat na chika na ngayong napagtagumpayan nina Chiz at Heart ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanilang buhay, nagpaplano na raw ang dalawa na magpakasal?

O, baka naman gusto lang nilang asarin sina Mr. and Mrs. Ongpauco? Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: